|
Post by laominzi on Mar 3, 2007 10:25:20 GMT 8
PRODUCER na ang drama ni Becky Aguila, manager nina Angel, Jennylyn Mercado at Eunice “Charming” Lagusad.
Magpu-produce si Becky ng trilogy movie na ang mga bida ay ang tatlong pangunahing alaga.
As of press time, balitang kinukumpleto na ang casting ng pelikula. Tatlong director din ang magha-handle ng proyekto at ito’y sina Gina Alajar, Rahyan Carlos at Jun Lana.
People's Tonight
|
|
|
Post by prettybabe on Mar 4, 2007 22:54:26 GMT 8
finish na daw ung script neto sabi ni ate mia sa gmapinoytv forum.. dunno kung kelan ung start ng shooting..
abangers na lang tayo
|
|
|
Post by laominzi on Mar 7, 2007 12:33:07 GMT 8
c/o denise_candyfox of pex
People's Tonight Vinia Vivar
Hot 'n Spicy
Sumabak na nga sa pagpu-produce si Becky Aguila, manager nina Jennylyn, Angel Locsin, Valerie Concepcion, Eunice (a.k.a. Charming) Lagunsad, atbp.
Nag-first shooting day na ang debut film ng kanyang bagong tatag na Eagle’s Eye Productions. May working title na Angel ang trilogy na pagbibidahan ng mga alagang sina Jennylyn, Angel, Eunice, Ella, Valerie, kasama rin sina Nash Aguas, Marvin Agustin at John Prats and Patrick Garcia.
Si Mark Reyes ang magdidirek ng episode na Angel of Love, starring Jen and Patrick. Si Gina Alajar naman ang direktor ng Angel of Mine episode na pagbibidahan nina Angel, Eunice at John.
Daddy’s Angel naman ang working title ng third episode na pagbibidahan nina Marvin, Valerie and Nash.
Last Monday, nagsimula na nilang i-shoot ang episode nina Jen at Patrick. Dahil hindi pa sanay sa pagpu-produce, sumakit agad ang ulo ni Tita Becky sa gastusin, pero okay lang daw dahil at least, bagong experience ito sa kanya.
Nang tanungin namin kung bakit naisipang pumasok sa production, ang walang kamatayang ‘career move’ ang kanyang inirason.
|
|
jaeger
Class A:Junior Jen Fan
![*](//storage.proboards.com/forum/images/stars/star.png)
Posts: 109
|
Post by jaeger on Mar 8, 2007 10:16:42 GMT 8
sana maglabas na sila ng details nung storyline. hehe! di naman masyadong excited.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 11:47:44 GMT 8
Pinagkaguluhan si Jericho Rosales nang dumating sa 4th Golden Screen Awards, kaya ‘di kami makalapit. Gusto pa naman namin siyang tanungin kung bakit ‘di natuloy ang pagtatambal nila ni Angel Locsin sa Angel of Mine episode ng Angel trilogy na produced ng Eagle Eye Entertainment nina Becky Aguila at Angel Locsin.
Si John Prats ang pumalit kay Jericho and hopefully, may chemistry sila ni Angel para maengganyo ang moviegoers na panoorin ang pelikulang may May 16 playdate. Kasama rin sa episode sina Charming Lagusad, Bianca at Katrina Aguila, Charee Pineda, Eugene Domingo, Malou Crisologo at Pinky Amador.
Nalaman namin kay Angeli Pangilinan-Valenciano, manager ni Jericho na may offer nga si Becky, pero ang schedule nito ang main problem. Marami raw itong sisimulang project sa ABS-CBN at malabong matanggap ang pelikula. Na-text din ng talent manager na dinumog ang actor nang bumisita sa Ghana, Africa at kinailangan ng bodyguards. Popular siya roon dahil palabas ang Pangako Sa ‘Yo na ang English title ay Timeless.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 12:48:32 GMT 8
c/o miapoink Angel of Love![](http://i6.photobucket.com/albums/y228/miapoink/jen%20pics/03112007169.jpg) What happens when a striving, starving lady musician meets an indecisive, rich lad? Will cupid find a way to make their hearts meet? Or will their pursuit for individual success come in the way of their love? Find out on Angel of Love, from the trilogy Angels, showing in cinemas on May 16, 2007.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 13:01:13 GMT 8
c/o miapoink Angel of Love![](http://i6.photobucket.com/albums/y228/miapoink/jen%20pics/IMAGE_00106.jpg) Bianang (Jennylyn Mercado), a frustrated musician, is caught in a tangle of family concerns. Orphaned by their mother and abandoned by their father (Alan Paule), she is left to look after her two younger siblings (Empress Schuck and Popoy) and fend for their needs by finding her niche in the music industry. By some twist of fate, guised through Kerubina (Ella Cruz), her path crosses with Jude (Patrick Garcia), a guy from a matriarchal clan of aristocrats (grandmother – Boots Anson Roa; sister – Cheska Garcia) who battles with repercussions of ending a heavily laden relationship (with girlfriend – Karel Marquez). Watch and share Bianang and Jude’s discovery of the essences of family, music and love in Angel of Love, from the trilogy Angels, showing in cinemas on May 16, 2007.
|
|
miapoink
Class A: Novice Jen Fan
Posts: 20
|
Post by miapoink on Mar 30, 2007 11:16:02 GMT 8
|
|
|
Post by laominzi on Apr 8, 2007 17:19:17 GMT 8
june na ba talaga ang playdate nito?
|
|
|
Post by 61cm on Apr 14, 2007 1:23:27 GMT 8
KASAMA kami sa ilang entertainment writer na dumalaw sa shooting ng Angels nu’ng Easter Sunday.
Sa Sierra Monte Mansions, Filinvest along Marcos Highway ang location.
Inabutan naming kinukunan ni Direk Gina Alajar ang ilang eksena nina Angel Locsin at Eunice “Charming” Lagusad para sa episode na Angel of Mine ng trilogy movie.
Kasama nila rito ang kambal na anak ni Becky Aguila na sina Katrina at Bianca, sina Aiza Marquez at Ketchup Eusebio.
Ang Angels is the first movie venture of Eagle Eye Productions nina Becky at Angel.
Si Eunice ang naharap naming interbyuhin.
“Ako po si Gelay dito. Anak po ako ng katulong ni Ate Angel. Nang umuwi ng probinsya ang nanay ko, hindi na siya nakabalik dahil namatay sa isang aksidente. Nabalita ’yon sa dyaryo, pero hindi ipinaalam sa akin.
“Isang araw, nakita ko ’yung newspaper habang naglilinis ako’t nabasa ko ang tungkol sa nanay ko. Sumama po ang loob ko, kaya nagtangka akong maglayas.
“Dahil police reporter ang role ni Ate Angel, hindi niya ako masyadong maasikaso. At saka, marami siyang death threats, tapos … panoorin ninyo po,” bitin na kuwento ni Eunice.
The two other episodes are Daddy’s Angel with Marvin Agustin, Nash Aguas and Jaclyn Jose directed by Dingdong Dantes; Angel of Love, starring real-life sweethearts Jennylyn Mercado and Patrick Garcia, megged by Mark Reyes.
Second grader si Eunice sa Immaculate Concepcion School sa Tondo, Manila. Pero nakalipat na sila ng apartment sa may Tandang Sora, QC, at paminsan-minsan na lang umuwi sa bahay ng lola niya.
Next school year, lilipat na rin siya sa school na malapit sa nilipatan nila.
Bago naging Charming si Eunice, nag-join na siya sa Little Miss Universe contest ng MTB. Semi-finals lang ang inabot niya, pero may nakuha rin daw siyang cash prize.
“Napasama po ako sa seryeng Kay Tagal Kitang Hinintay nina John Estrada, Jean Garcia at Lorna Tolentino. At saka po sa Once Upon a Time at Basta’t Kasama Kita nina Robin Padilla at Judy Ann Santos.
“Tapos po, nag-audition ako sa GMA-7 for Mulawin at nakuha ako bilang batang Biba, kaibigan ni Alwina (played Angel), tapos sa Bakekang na po,” pagtatapos ni Eunice.
People's Tonight
|
|