mikichum
Class A: Novice Jen Fan
Posts: 37
|
Post by mikichum on Mar 13, 2007 22:04:59 GMT 8
inang rhea, di ko alam na palakang baliw (DenJen fan) ka pala...hehehe ![](http://i18.photobucket.com/albums/b146/mikichum4/with%20the%20boys/111006.jpg)
|
|
|
Post by dabasijen on Mar 15, 2007 18:17:58 GMT 8
^ahahahaha Em natawa naman ako dun, dati gusto ko lang itry sila ipair tapos nung nagkaroon sila ng epi sa NAF ayun lalo ko nagustuhan kasi mas lumalabas ang pagiging actress ni Jen (wala pong ibang ibig sabihin) serious actor kasi si Dennis. kaya ayun ahehehehe magexplain ba ako?
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 11:50:19 GMT 8
Maraming koleksyon si Dennis Trillo PARINIG NGA! Ni Lanie B. Mate Ang Pilipino STAR Ngayon 03/20/2007
Hindi na kayang takpan ng make-up ang malaking tattoo ni Dennis Trillo, (wolf na may kagat-kagat na fish) sa kanyang balikat hanggang braso kaya nagtitiis siya kahit masakit na ipabura ito ng paunti-unti.
Nagrereklamo rin ang mga bading dahil hindi ginamit sa cover ng kanyang album yung sexy photo niyang naka-off shirt at may hawak na gitara.
"High school pa itong tattoo ko, pero kasi hindi na bagay sa image ko kaya kahit medyo masakit, tiis lang. Yung sexy photo sa loob lang ng album namin inilagay kasi may mga bagets na rin akong mga fans sa Super Twins," sabi nito.
At sa mga ladies na nag-aasam kay Dennis hanap niya sa isang babae yung simple at nakakaintindi ng kanyang trabaho. Higit sa lahat, dapat masarap magluto at type niyang siya ang inaalagaan ng girl.
"Gusto ko lang yung tipong maasikaso at sensitive sa needs ko," sabi ni Dennis.
Pero ang first love niya talaga ay music kung saan high school palang ay tumutugtog na siya ng drums at ngayon ay may sarili na siyang album.
Sumasabay ang anak ko sa mga kanta ni Dennis. Ganito rin ang effect sa mga fans ni Dennis sa dalawang malls na kinantahan niya. Ipinagmamalaki ng actor-singer kung paano nakapasa sa panlasa ng mahigpit na pagbabantay ng bawat kanta ng isang Regine Velasquez at positive pa si Ogie na maghi-hit ang kanta niya, may katwiran si Dennis na hindi siya mapapahiya sa kanyang album.
Sinasabi ng mga kasamahan niya sa SOP na mataas ang rating nila dahil sa album launch nito nung nakaraang Linggo, kumpara sa ASAP dahil sa sobrang support ng fans ng aktor. Sa first mall tour ni Dennis na-sold out agad ang 256 copies na dala-dala nila kaya nagpagawa pa uli sila ng additional copies ng album.
Ang "Dennis Trillo" album ng 25 yrs. old na singer na graduate ng International Studies sa Miriam College ay release ng Indi Music.
Samantala, bayad na ni Dennis ang condo unit na tinitirhan niya ngayon at nasa last year of payment na rin siya ng kanyang Ford car. Ngayon bukod sa savings ay makikisosyo naman siya sa negosyo ng Barraks Bar. Mahilig din siyang mag-collect ng video games, at DVD movies.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 11:59:22 GMT 8
The “singable” songs of Dennis Trillo Filed under: Views — Ces at 5:44 pm on Thursday, March 15, 2007
dennis_trillo.jpgDahil sa kapapanood namin ng mga singing contests sa TV—local at foreign—kung saan bini-verbalize ng board of judges ang kanilang mga komento tungkol sa performances ng mga contestants, medyo “nahawa” kami. Kaya sa mga concerts, at pati sa mga album launching, conscious na kami na kailangang clear ang bitaw ng mga lyrics ng singer na pwede mong i-jot down yung bawat words.
Kung minsan naman, a la-Simon Cowell kaming pinipikit namin ang aming mga mata para pakinggan kung talagang “recording-quality” yung boses ng artist.
Si Dennis Trillo, bago siya pumagitna sa stage nung launching ng kanyang self-titled debut album nung March 13 sa Virgin Café Tomas Morato, yung album niya ang pinapatugtog. Di na kailangang ipikit ang aming mga mata para maramdaman namin na yung itsura ni Dennis na uma-akting sa mga teleserye’t fantaserye ay parang ganun din siyang kumanta.
Wala namang problema dahil, kumbaga, nakakaaliw na parang nagkatono yung mga dialogue sa dramaserye na mala-pop musical opera ang dating.
Ano kaya kung i-revive yung mga musical na nauso nung araw, tulad ng Godspell, o Hairspray, o Jesus Christ Superstar, na si Dennis ang bida?
Yun nga lang, sa album, ‘pag English yung lyrics at bago yung song, mababaliw kami kung ang trabaho namin ay taga-transcribe ng lyrics ng kinakanta ni Dennis. Pero yung Tagalog songs, perfect score kami siguro.
Sabi nga pala ni Dennis, “Singable yung mga kanta sa album ko, so I’m sure mag-e-enjoy kayo.”
Under IndiMusic nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang album ni Dennis, na ang carrier single ay ang Air Supply classic na “All Out of Love.” May duet din sila ni Regine, entitled “Magtatagpong Muli.” Other cuts: “Love is All That Matters,” “Para Sa Iyo” (composed by Ogie A.), “Tanga,” “Kung,” “Her Smile,” “Sayaw Sa Hangin,” and “Lumilipad.”
|
|
|
Post by dabasijen on Mar 26, 2007 18:05:38 GMT 8
may movie daw gagawin si dennis sa regal this may, di naman masamang magsuggest db? sana si jen na lang kasama niya, tutal hindi na si jen sa MKW
|
|
|
Post by laominzi on Mar 26, 2007 23:24:58 GMT 8
sana nga.. pero baka busy rin si jen for her concert...
|
|
|
Post by dabasijen on Mar 27, 2007 17:08:59 GMT 8
^wish lang naman, malay natin...
|
|
|
Post by wilderbeast on Apr 10, 2007 23:43:23 GMT 8
sali rin ako d2.... :wave:
|
|
|
Post by mountainbreeze on May 1, 2007 15:53:30 GMT 8
yup me too..like them..but what a mess when GMA gave them a project together in DANGAL...what a such script...nagsayang sila ng mga talent/artistta...napakawalang kwenta ung story...GMA should learn a lesson that kahit anong sikat ng mga artistang gumanap kong pangit ung story hindi un kakagatin ng tao....hay naku sana di na un maulit....ngaun namn sa ST hindi masyado ung exposure din nilang dalawa ni nadine...hay ewan...aminin o hindi ng GMA meron silang pinapaboran...mabuti na lang paborito sya ni mother Lily...so sa ngaun sa movies sya nakalinya....Mother!!!sana bigyan mo si Jen ng mga movies na pang-award.. with great director like Joel Lamangan...she had proven her worth with her acting ability in bluemoon...me sarili syang acting style & di pilit pag umarte lalo na pag tutulo na ang luha...sorry guys but i need to express my feelings..kasi dito ko lang un magawa....
|
|
|
Post by dabasijen on May 2, 2007 17:57:29 GMT 8
^sobrang minadali nilang tapusin ang Dangal na wala na sila pakialam kung ano magiging kalalabasan. sobrang nakakapanghinayang tapos ang next project na binigay nila kamusta naman at sobrang konti ng exposures ng mga lead (daw).
|
|