|
Post by dabasijen on Mar 28, 2007 19:05:10 GMT 8
hnidi na sila natuto sa past 2 winners nila, lalo sa 3rd, maganda nga auper pasaway naman at kulang na kulang talaga sa talent e parang ganun din tong pinanalo nila sa 4th batch e...
|
|
|
Post by laominzi on Mar 28, 2007 19:16:37 GMT 8
hehehe.. i think mas may talent naman yung batch na to compared kay jackie rice.. pero ang batch na to ang pinaka unpopular.. tinulugan lang ng tao ang final judgement.. 24% lang.. hehehe
|
|
|
Post by dabasijen on Mar 30, 2007 18:37:49 GMT 8
kaya nga eh, baka naman nagsawa na o nadala na ang mga tao sa 2 previous batches kaya naging ganyan ang rating tsaka di rin naman talaga maganda ang fj nila ngayon...mas gusto ko pa din ang 1st fj (hindi lang dahil kay jen ha) kundi yung buong program mismo.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 31, 2007 10:20:36 GMT 8
sa akin naman.. mas gusto ko yung stage ng fj3... yung nasa center sila...
pero sa production number ng final 4 sa ss1 parin...siguro kasi dahil sa audience factor.. hehehe
pero magaling talaga si rich... as in concert talaga ang dating nya,,.baka mabigyan naman sya ng maraming project kasi magaling, like kay marky.. or kay iwa.(though di sya magaling) di naman sya winner pero madaming projects..
|
|
|
Post by 61cm on Apr 2, 2007 22:54:12 GMT 8
magaling si rich...mas magaling pa sya kay jewel lalo na yung ssfj.
|
|
foxy
Class A:Junior Jen Fan
![*](//storage.proboards.com/forum/images/stars/star.png)
life is beautiful.. like me!!! tsk
Posts: 104
|
Post by foxy on Apr 4, 2007 0:46:12 GMT 8
whoah.. congrats kay rich.. ang galing nung performance ña nun fj, as in.. i expcted din n xa ang mananalo though lyk q rin c kris.. c rich tlga nngibabaw dat nyt. pro wala e.. hnd n ksing xciting ng batch nila jen ang ss ngaun.. sa knilang lahat ung batch nila jen ang nngibabaw ng todo.. cno nga b nanalo nung batch 2? e nung batch 3?!! san n cla? ung batch 4 ngccmula plng nd sana mbgyan cla ng mgndang break.
|
|
|
Post by 61cm on Apr 8, 2007 11:33:16 GMT 8
kamusta na ang batch 4? Parang wala silang ingay...iba pa rin talaga ang batch 1...iba pa rin si jen. ;D
|
|
|
Post by laominzi on Apr 8, 2007 17:13:54 GMT 8
te marunong rin palang mag gitara si rich. hehehe.. kita ko sya kanina. o baka fake lang yun. hehehe
|
|
|
Post by 61cm on Apr 10, 2007 1:52:46 GMT 8
^talented talaga napipili mo 'no menj? hehehe. 'To nga pala galing PEP
Rich Asuncion also feels like a winner Maricris Valdez-Nicasio Monday, April 9, 2007
Hindi man pinalad si Rich Asuncion na tanghaling either Ultimate Sweetheart na napanalunan ni Jewel Mische o bahagi ng Ultimate Loveteam na nasungkit naman nina Kris Bernal at Mart Escudero sa katatapos na StarStruck The Next Level, feeling ni Rich ay winner pa rin siya.
Bahagi ng premyo ng 18-year-old na dalagang tubong-Bohol ay P200,000 cash. Pero ang ikinagulat niya at nagpasaya sa kaniya nang husto ay nang papirmahin din siya ng GMA Artist Center, kasama ang kapwa na-eliminate na finalist na si Prince Estefan, ng two-year management contract.
"Masaya po siyempre ako dahil hindi ko talaga inakala ito. Akala ko kasi ay yung four winners lang, kasi yun po ang sinabi nila before na sila lang ang may kontrata. Siguro po nag-change sila ng decision kaya masasabi kong winner pa rin talaga kami ni Prince," panimulang kuwento ni Rich sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Isa pang nagpataba ng puso ng morenang newcomer ay ang pananaw ng iba na dapat ay isa siya sa apat na youngsters na nanalo sa pinakamalaking artista-search ng Kapuso Network.
"Kaya naman po hindi ako nalulungkot after i-announce yung winners," ani Rich. Masaya ako na ganoon ang suporta ng mga tao sa akin. Doon daw po sa text vote, doon ako natalo, I think ako yung lowest, na-realize ko lang po na it's not enough that you give your best. Kailangan nandodoon din yung appeal mo sa masa o sa mga tao.
"Hindi naman po sa kakaunti ang bumoto sa akin, mas marami lang talaga ang bumoto sa mga kalaban ko. Mas tinodo lang nila, kasi po wala akong investment kahit piso. Sabi ng Mama ko, huwag na, kasi mahirap makipag-kumpitensiya sa mga mayayaman o yung may pera," wika pa niya.
Naikuwento pa ni Rich na gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral someday. Bukod dito, may naghihikayat din sa kanyang sumali sa Binibining Pilipinas, lalo na't as early as 12 years old ay sumasali na pala siya sa mga beauty contests.
Sabi ni Rich, "Iyong napanalunan ko sa StarStruck, magandang pangsimula ko po sa showbiz, tamang-tama ito. After two years sana po makabalik ako sa aking studies. Second year college na ako sa kursong Tourism. Mag-a-adjust po muna ako, gusto ko talagang ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Gusto ko pong dumating yung time na makuha ko talaga yung diploma ko.
"Tungkol naman po sa pagsali ko sa Binibining Pilipinas, may nagsasabi nga po na puwede akong sumali doon. Kaya lang hindi ko pa po napagtutuunan ng pansin ito, e," nakangiting saad pa niya.
"Naging beauty queen po ako sa amin [sa Bohol], I started when I was 12 and sa pamamagitan po noon, nakapag-aral po ako. Ang pinakamalaking nakuha ko po sa tatlong beses na pagsali ko sa mga ganitong contest ay yung Ms. Young Tagbilaran-Pacific po ng Bohol. Tapos naging finalist po ako ng Ms. Bohol International, tapos naging 2nd runner-up. Pag-iisipan ko pa po kung sasali ako sa Bb. Pilipinas."
Sa ngayon, nakatutok talaga si Rich sa kanyang showbiz career at desidido ang dalagang maging successful sa itinuturing niyang tunay na laban—ang pagiging ganap na artista na.
"Magiging consistent po ako sa pagbibigay ng best ko. Makikita naman po ‘yan sa mga tao, sila na ang magdya-judge. Hindi ko nga po na-feel yung defeat kasi para sa mga tao, ako yung winner and yung competition namin, hindi po yun ang totoong competition. Ngayon pong ganap na kaming mga artista, I will try my best para maabot ko ang mga pangarap ko sa mundong ito," pagtatapos na ni Rich.
|
|
|
Post by 61cm on Apr 17, 2007 0:59:15 GMT 8
OUT si Rich Asuncion sa Impostora but in naman siya sa The Boys Next Door.
Tsismis muna. Last Saturday, papasok kami sa GMA, papalabas sina Aljur Abrenica and Jewel Mische na magka-holding hands. Hinatid ni Aljur si Jewel sa sakayan and then he left on his own.
Tapos, ang sumunod na nakita namin, si Rich naman, ka-holding hand ni Prince Stefan na papalabas kaso pinatawag pabalik bago namin nakatsikahan ng mabuti.
Ang nalaman na lang namin , out na siya sa Impostora nina Sunshine Dizon and Iza Calzado. Siya dapat ang ka-triangle nina Mart Escudero and Jennica Garcia, ang anak ni Jean Garcia.
Anyways, may kapalit naman daw ito kasi pasok na rin siya sa The Boys Next Door kasama ng iba pang Starstruck IV na sina Mart, Kris Bernal, Aljur, Kiko Juinio and Jesi Corcuera.
Si Prince, wala pa ring balita kung saan siya ipapasok.
People's Taliba
|
|