|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 11:57:43 GMT 8
Annabelle to Ruffa: "Napaka-plastic mo, 'day!"
Tita Annabelle also reveals: "Lahat ng klaseng gayuma ginawa ko sa Daddy mo!" Wells Avante | Monday, March 19, 2007 CF Annabelle to Ruffa:
"Maraming plastic na tao sa showbiz. Una, ikaw yun. 'Di ba, minsan, maski kaaway mo, binabati mo? Napaka-plastic mo, 'day!" says Annabelle Rama about daughter Ruffa Gutierrez-Bektas. Photo: Noel Orsal
After Gretchen Barretto, ang mismong ina naman ni Ruffa Gutierrez-Bektas na si Annabelle Rama ang naka-one-on-one ni Ruffa kahapon, March 18, sa The Buzz.
Si Ruffa ang pansamantalang pumalit kay Kris Aquino na naka-maternity leave sa ngayon. Sa nasabing interview ni Ruffa sa kanya ina, inamin ni Annabelle na nagkaroon ng maraming affairs ang kanyang asawang si Eddie Gutierrez.
Kwento ni Annabelle, "Sa babae lang marami. Lahat ng iskandalo noong araw, noong pinagbubuntis pa lang kita [Ruffa], ‘andami kong tinatadyakan, sinasampal! Sobra kasi pagka-selosa ko sa daddy mo. May titingin lang, ‘Hoy, anong problema mo sa buhay mo?' Bastos ako noong araw Ruffa dahil sa daddy mo, pagseselos ko sa kanya. Actually, mabait naman ako talagang mommy mo, 'di ba?"
Nang tanungin ni Ruffa kung mayroon ba siyang pinag-selosang artista, umamin si Annabelle na meron pero hindi siya nagbanggit ng pangalan.
"Ayokong mag-mention na kasi tapos na yun, e. Marami talaga sila. Wala akong ginawa kundi tumawag sa mga artista. Basta lahat ng iskandalo ginagawa ko para lang makuha ko yung daddy mo. Nakuha ko naman, pero hindi ko nakuha na akin na akin. Lahat ng klaseng gayuma ginawa ko sa daddy mo!" dire-diretsong pahayag ni Annabelle, na ikinatawa ng lahat.
Dagdag pa niya, "Lahat ng klaseng artista pinatulan na niya, Day, ‘no! Siyempre, you don't have to ask me that question, Ruffa. Nanay mo ako. Alam mo kung paano ko kayo sinisilbihan. Nakikita mo lahat-lahat yun. kung ako masamang nanay, matagal nang nawala ang daddy mo sa akin. Up to now, patay na patay pa rin siya sa akin!"
Sa naturang panayam, naalala ni Annabelle ang isa sa mga lowest points ng buhay nilang mag-anak. Ito ay noong nasa Estados Unidos ang pamilya Gutierrez.
"Nung nasa States tayo, nagtitinda tayo ng kaldero. Remember, nag-slide ka [Ruffa] pa sa snow? 'Pag wala tayong benta, para tayong kawawang-kawawa, 'di ba?" kuwento ni Annabelle.
Hindi rin siyempre makakalimutan ni Annabelle yung mga panahong dalaga pa si Ruffa at nililigawan ng napakaraming kalalakihan. Isa raw itong yugto sa buhay nilang mag-ina na madalas silang magkagalit.
"Nung panahon mo, nung dalaga ka pa. Siyempre 'pag matigas ang ulo mo at pumatol ka sa mga patay-gutom, naiinis ako sa iyo!" prangka niyang sabi.
Ibinuking din ng talent manager si Ruffa nang sabihin nitong isa siya sa pinaka-plastic na tao sa showbiz.
"Maraming plastic na tao sa showbiz. Una, ikaw yun," sabi ni Annabelle, na naging dahilan upang matigilan si Ruffa habang lahat ng tao sa studio ay natatawa sa naturang pahayag niya.
Dagdag pa nito, "Di ba minsan, maski kaaway mo, binabati mo? Napaka-plastic mo, 'day!"
Bumawi naman si Annabelle nang sinabi nitong nalulungkot siya sa tuwing umaalis si Ruffa patungong Istanbul, Turkey, kung saan nakabase ang kanyang asawang si Yilmaz Bektas.
Aniya, "Ang pinaka-ayaw ko Ruffa, yung punta ka nang punta sa Istanbul. Ayokong umaalis ka, gusto ko nandito ka lang sa Pilipinas. Pagpunta mo sa airport, umpisa na ng pag-iyak ko sa iyo. Hirap sumakay ng eroplano. Mag-istambay ka pa sa Dubai ng eight hours. ‘Pag umiiyak ka sa akin, nag-aaway kayo ni Yilmaz, nahihirapan ako kung paano kita susunduin dun. Gusto mo akong maging maligaya Ruffa, hindi ako magkakasakit, huwag ka nang bumalik doon."
Bilang pangwakas, tinanong ni Ruffa ang kanyang ina kung ano pa ang mga bagay na mahihiling niya sa Diyos.
"Lahat tayo magsama-sama. Walang mawawala sa inyo. Mga kapatid mo, ilayo sa drugs, ilayo sa mga babaeng namimikot, ilayo sa mga babaeng nabubuntis," sabi ni Annabelle.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 12:02:47 GMT 8
Nang matalo ang “winners” Filed under: Views — Ces at 5:44 pm on Thursday, March 15, 2007
stefpaulo.jpgNa-vote out from the so-called Danger 8 ng StarStruck The Next Level sina Stef Prescott at Paulo Avelino, ang mga pinaka-telegenic at photogenic with their classic facial features (along with two others)—na kahit sa personal ay napaka-detalyado sa ganda ang mga mukha.
Dahil sa face value nina Stef at Paulo, di kataka-taka na bago pa man sila sumali sa StarStruck ay “winners” na sila sa mga product endorsements, dahil marami-rami na rin silang nagawang print and TV commercials.
Si Stef ay major lead sa TV ad ng Kitkat, lead din sa TV ad ng isang whitening product, at sa forthcoming TV ad ng Splash ay lead pa rin siya. Sa Pilipinas lang po ‘yan, dahil sa Thailand at Singapore ay nakagawa na rin si Stef ng commercials for Unilever, at meron din siyang ini-endorsong milk product sa Malaysia. Sa edad niyang 16, at ginawa niya yung commercials nung mas malusog pa siya, huh!
Si Paulo naman ay nasa print and TV commercials ng mga sumusunod: KFC, Globe, Greenwich, Pride detergent, Head & Shoulders, Nestea, Sun Cellular. Hindi na namin natanong kung support o whatever si Paulo sa mga nagawa na nitong commercials, but the fact na di siya niri-reject sa mga go-see simply means may “it” or X-factor or star quality ang binata, kagaya rin ni Stef.
Sabagay, sabi nga, di naman ibig sabihin ng pagkatanggal nina Stef at Paulo sa StarStruck ay katapusan na ng kanilang career. Dahil mga non-winners naman sina Nadine Samonte, Katrina Halili, Iwa Moto, Dion Ignacio, at iba pa, pero namamayagpag naman ang kanilang career.
Feeling namin, kahit hanggang Top 8 lang ang inabot nina Stef at Paulo, lalampasan nila ang mga tatanghaling major winners. Unless…aayusin ang dapat ayusin sa mukha ng natitirang anim, sa tulong ng mag-asawang Drs. Manny & Pie Calayan, o sinupamang kaliga nila.
Yung isa, round-faced na mapisngi, at “missing” ang cheekbone at chin. Yung partner niya na medyo simpatico, habang tumatagal, lumalapad ang ilong.
May isa, ilong din ang problema—mala-palikpik ang nostrils. Samantalang yung isa pa, may missing tooth (as in bungal!) sa bandang side, lalo ‘pag tumatawa o kumakanta. Yung dalawa pa, medyo angat dun sa apat, physically. Yun nga lang, di pa ganun ka-exposed kaya siguro raw na raw.
“Magkaka-star aura din ang Top 6 ‘pag tumagal na sila. Sila ang top sa mga text voters,” sabi ng isang staff ng show.
Okey. Sana text voters din ang magbibigay ng projects sa kanila, at kumuha sa kanila for product endorsements.
Teka, matanong nga si Mike Tan.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 26, 2007 8:45:03 GMT 8
Katrina Halili and Cristine Reyes both facing health problems
Elyas Isabelo Salanga
Sunday, March 25, 2007
Rating [Rate as 1] [Rate as 2] [Rate as 3] [Rate as 4] [Rate as 5]
* *
Sexy actress Katrina Halili is facing one of the biggest obstacles in her life right now: A throat infection that may lead to cancer.
Katrina, positive as ever, takes this all in stride.
"Hindi pa na-check, pero sabi infection or pwedeng cancer," Katrina says. "Feeling ko malayo naman sa cancer kasi.....ayoko."
With these words she suddenly trails off, but instantly brightens up. "Ayoko mag-isip ng ganoon. Think positive."
Before, Katrina paid no mind on her condition until it developed into a kind of small lump on the side of her neck. She showed viewers of Startalk that there is a noticeable lump showing and that she wasn't making the whole thing up. During the interview with Joey de Leon, she remains as positive as ever, laughing at Joey's jokes. But everyone can see the worried look in Katrina's eyes.
"Hindi po ako kinakabahan, pero ayokong mag-isip din ng ganoon [her condition]," she says.
Then she explained that she's currently taking antibiotics. And if the lump is still there, she then has to take a biopsy to check the extent of her condition.
Ironically, her StarStruck batchmate, Cristine Reyes, is also facing the same problem. Even though it's only tonsillitis, she still feels the pain and explains the difficulties she's having right now.
"Masakit siya actually," says Cristine. "Dahil sa stress, sa work. So, lahat ng pagod napupunta sa fever. Paminsan-minsan, hindi na ako makahinga."
Cristine, Ara Mina's younger sister, also consulted a doctor who told her to undergo an operation. Complications like difficulty in breathing might take a turn for the worse if she doesn't act immediately.
Right now, Cristine's family is not ready for her operation since Christine's getting a lot of movie and TV offers. Cristine herself has decided to seek for a third opinion just in case the problem persisted.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 26, 2007 8:47:25 GMT 8
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Ang Pilipino STAR Ngayon 03/26/2007
Ayaw idetalye ni Sunshine Dizon ang ending ng Bakekang para ‘di ma-preempt ang viewers, basta maganda ang ending at perfect mix ng tuwa at lungkot. Ayaw din nitong magbigay ng clue kung sino ang mamamatay at ikakasal sa major characters ng teledrama.
Natatawa ang actress ‘pag tinutuksong ang haba ng hair ni Bakekang dahil pinag-aagawan ng dalawang guwapong lalake: sina Christoph (Jay Manalo) at Herman (Victor Neri) at sasaya ang kinikilig na viewers sa magiging pagtatapos ng kanilang love triangle.
Ano ang napatunayan niya sa Bakekang?
"I hope I became a better person and actress at very wonderful experience for me na sa akin ibinigay ang project. Not everyone is given the chance to portray a 40 year old woman at may dalawa pang anak, eh 23 years old lang ako. Sana, hindi ko sila na-disappoint."
Pinasasalamatan ni Sunshine ang co-stars niya, staff, utility, writers, GMA-7, directors Gil Tejada and Khryss Adalia, direk Carlo Caparas at Donna Villa na dumating sa special show na ibinigay nila sa viewers ng teledrama na sumubaybay sa seven months nila sa ere. Nasa audience rin sina Annette Gozon-Abrogar and husband, Wilma Galvante, Lilybeth Rasonable, Marivin Arayata at iba pang taga-Ch. 7.
"We can’t ask for more. God is good to us. Maganda ang rating namin mula nang mag-umpisa ang show hanggang ngayong matatapos na," pasasalamat nito.
Umiwas din si Sunshine na pag-usapan ang Impostora, pero nalaman naming sa April 11 na ang story conference nila at kundi April 15 ay Apr. 16 ang first day taping. Reunion nila ito ni direk Maryo J. delos Reyes at Iza Calzado na una niyang nakasama sa Kung Mawawala Ka at Encantadia/Etheria. Nasa cast din daw si Alfred Vargas at marami pang iba.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 27, 2007 0:57:54 GMT 8
Will heads roll in Eat, Bulaga!? FUNFARE By Ricardo F. Lo The Philippine Star 03/27/2007
First, the good news: GMA 7’s 28-year-old noontime show Eat, Bulaga! will undergo a major reformatting anytime now. Good for its followers both here and abroad (reached by Pinoy TV) who have stuck to the show through almost three decades, through its changes in hosts, through its ups and downs, through its constant "reinventions."
Now, the bad news: Heads will inevitably roll in the process of reformatting, but the Funfare DPA didn’t reveal who the "casualties" will be. "There are just too many hosts," said the DPA.
The DPA added that the reformatting has nothing to do with the fact that the rival noontime show, ABS-CBN’s Wowowee, sometimes overtakes Bulaga! in the ratings game.
"In the past 28 years," explained the DPA, "Bulaga! has been undergoing regular reformatting in keeping with the times. Bulaga! has been on the air for so long, moving from RPN 9 to ABS-CBN and then to GMA, and it has proven its durability more than enough."
If you want to find out, well, whose heads will roll, stay tuned to Bulaga! Don’t change channels.
Being Kris not new to John L.
John Lapus doesn’t hide the fact that, yes, he’s swinging both ways. I mean, he now appears on GMA shows (as co-host of S-Files, etc.) and in movies produced by Star Cinema, sister company of John’s former home station ABS-CBN, like the company’s latest project, Ang Cute Ng Ina Mo (topbilled by Ai-Ai de las Alas in the title role).
"It’s because my exclusive contract with GMA is only for TV," said John, "so I can do movies for other companies and ‘live’ shows produced by other companies."
Such as Rock da Vote which is the second production (after the concert starring Piolo Pascual and Sam Milby) of ASAP Live Productions (also associated with ABS-CBN), slated for April 13 and 14, and 20 and 21, at the Music Museum. John will reprise his impersonation (as Kris Anino) of his good friend Kris Aquino (and also as Madame Auring and Tita Cory). Rock da Vote also stars Jon Santos (as Ate Vi, Kuringning Sanchez and Madam Melding), Candy Pangilinan (as Presidentita Gloring and Miriam Defensive Santiagot) and Pooh (as Manny Pacman).
Guesting on Rock da Vote are Tessie Tomas (as Meldita) on April 13 and 14; and Chokoleit (as Sherap Espada and Bro. Mike) on April 20 and 21.
Isn’t Kris peeved by his exaggerated impersonation?
"I don’t think so," said John. "If you recall, everytime Kris was absent from The Buzz, I would replace her, dressed like her and sound like her. Once, I even guested as Kris Anino in a special edition of Pilipinas, Game KNB?"
Holding the singular "honor" of being the only other man (aside from Phillip Salvador, Joey Marquez and James Yap) who has seen Kris in the nude — in the flesh!!! — John said that he knows Kris very well, upside-down, inside-out.
"Without her knowing it," said John, "I’ve been studying Kris closely; I’ve been observing her...the way she talks, the way she moves, even the way she frowns, smiles and laughs. Pareho din kaming medyo paos ang boses."
What about Madame Auring?
"Ay, riot ang portrayal ko sa kanya," exclaimed John. "Talagang may asim. Maasim na maasim."
|
|
|
Post by laominzi on Mar 27, 2007 1:03:14 GMT 8
Fans ng ASAP, hinimatay sa init
Ang Pilipino STAR Ngayon 03/27/2007
Awang-awa kami sa mahigit na sampung taong nahimatay sa Subic Boardwalk last Sunday dahil sa sobrang init at dami ng tao kung saan ginanap ang ASAP ’07 para sa launching ng apat na bagong shows ng ABS-CBN Rounin, Love Spell (April episode), Walang Kapalit at Hiram Na Mukha bukod pa sa launching ng summer station ID na Araw Natin ‘To.
Halos buong talents ng Dos ay nasa Subic nung Linggo kaya naman alas siyete palang ng umaga ay nasa venue na ang supporters ng programa na umabot sa mahigit sa sampung libong katao kaya kinulang ang pitong tent ng paramedics para sa mga taong nahilo, nahimatay at nagkaroon ng sugat dahil sa siksikan.
Maagap ang mga bantay kaya wala namang grabeng nangyari, at hindi naman naging madamot ang mga artista para puntahan nila ang fans para kamayan at makipag-picture taking.
Pinagkaguluhan talaga ng husto ang cover boys na sina Zanjoe Marudo, John Lloyd Cruz, Rafael Rosell at iba pa, kasama rin ang cover girls na sina Roxanne Guinoo, Michelle Madrigal, Angelica Panganiban at Anne Curtis na talagang nag-enjoy ang lahat sa kaseksihan nila, Luis Manzano na kitang-kita ang malalaking muscles, ang UD4 na sina Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Maja Salvador at John Prats, ang Pinoy Dream Academy top 6 headed by Yeng Constantino and Jay-R Siaboc, Jr, Rica Peralejo, cast ng Rounin, Toni Gonzaga, Nikki Gil, Geoff Eigenmann, at Gerald Anderson, Kim Chiu, Sitti. May pinakamaraming hiyawan at palakpakan, sina Sam Milby at Piolo Pascual. * * * "Wala na po akong panahon para i-trace kung sinu-sino ang nagpapalabas ng mga pictures namin ni Sam (Milby) o ni Erik (Santos) sa internet sa dami ng trabaho ko.
"Hindi ko na po sila pag-aaksayahan ng panahon, basta ako, nagtatrabaho ng maayos, marami akong blessings, so hindi ko na siguro kailangang seryosohin pa at saka wala namang naniniwala. Sunud-sunod naman ang blessings ko, may pelikula ako, may soap drama, may regular shows, may concerts at may acting award trophies na naman ako, dalawa pa. So, bakit ko pa sila iintindihin?" katwiran ni Piolo Pascual tungkol sa walang katapusang isyu sa kanya sa internet.
At marami na rin daw nagsasabi kay PJ na mga fan daw na galit sa kanya na taga-US ang nagpapakalat dahil sa kanila raw nanggaling ang mga pictures since sa America nga naman sila nakunan.
"Like I said, dedma na, kasi wala namang mangyayari at saka hindi rin naman sila magtatagumpay," pagdidiin pa uli ni PJ.
Pati ang pagsuporta raw niya sa kaibigang si Yul Servo ay binibigyan ng malisya, "Kaibigan ko ‘yung tao at susuportahan ko siya hanggang kaya ko at may panahon ako," saad pa ng bida ng Walang Kapalit kasama si Claudine Barretto. – REGGEE BONOAN
|
|
|
Post by laominzi on Mar 27, 2007 1:03:52 GMT 8
Apat na teen millionaires SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Ang Pilipino STAR Ngayon 03/27/2007
I’m sure, marami na namang mga magulang ang nabigyan ng inspirasyon sa naging panalo ng apat na kabataang idineklarang pang-apat na winners ng StarStruck The Next Level, isang reality search na taunang isinasagawa ng GMA 7 at nagprodyus ng mga kabataan na itinuturing nang icon ngayon sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes, Katrina Halili, Nadine Samonte, LJ Reyes, Ryza Cenon at marami pang iba.
Sa isang mainit at kontrobersyal na artista search, tinanghal na Ultimate Loveteam sina Mart Escudero at Kris Bernal, Ultimate Hunk si Aljur Abrenica at Ultimate Sweetheart si Jewel Mische. Bawat isa sa kanila ay nanalo ng tig-P1M cash, P2M management contract sa GMA 7, mall cart business package na nagkakahalaga ng P250,000 mula sa Belgion Waffle Express, 2 years scholarship worth P120,000 mula sa Informatics Computer, P50,000 cash at P170,000 gift certificates from Calayan Services Center. Lahat naman ng 20 finalists ay binigyan ng franchise business package worth P30,000 mula sa Belgion Waffle Express, 3-day course on confidence building, public speaking at online application worth P3,000 mula sa Informatics Computer.
Ang first Prince (Prince Stefan) at princess (Rich Asuncion) ay bibigyan ng P200,000 cash tax free.
Ngayon pa lamang ay sisimulan na ng maraming magulang na hubugin ang kanilang mga anak para maging future artistas via mga ganitong pakontes, tulad ng StarStruck at the same time dapat sigurong itanim sa kaisipan ng kanilang mga anak na more than a beautiful face, good looks and talent, text votes ang may kontrol ng mga ganitong searches sa TV. The earlier they learn to accept this fact, the lesser the pain they will feel kapag natalo sila.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 27, 2007 1:04:13 GMT 8
Tatay ni Angel, ramdam ang bagong bahay SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista Ang Pilipino STAR Ngayon 03/27/2007
Nakausap ko si Mang Angel na ama ni Angel Locsin na sobra ang katuwaan sa nabiling bahay ng kanyang anak. Sinabi nito na hindi man siya nakakakita ay nararamdaman naman niya ang kapaligiran ng bahay.
"Matalas ang pakiramdam ko kahit di ko makita ang kabuuan ng bahay. Nagpapasalamat nga ako dahil bukod sa akin ay titira rin dun ang bunso kong anak na si Angelo na nasa haiskul na ngayon at pinag-aaral ni Angel," anang ama ng aktres.
Sa Marso 30 pa ang uwi ng aktres, nagtitaping pa ito ng Asian Treasures sa Bangkok.
Mabuti na lang at cancelled muna ang commercial shoot nito ng isang brand ng shampoo sa nasabing bansa.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 27, 2007 1:04:33 GMT 8
Pinagkaguluhan Sa Mall Nagdi-dinner kami sa Max ng SM North Edsa nang makita namin na nagkakagulo ang maraming tao at sinusundan ang isang artista. Akala namin ay si Sharon Cuneta. Ayon sa isang weyter ay si Lovi Poe ang hinahabol ng mga tao kung saan katatapos lang nitong mag-concert sa food court.
Ang bilis gumawa ng malaking pangalan ni Lovi at malaking tulong ang pagkakasama nito sa Bakekang bilang si Kristal. Bukod sa magaling kumanta ay maaasahan din ito sa pag-arte.
Marami nang hukbo ng tagahanga ang aktres dahil mabait ito at di lumaki ang ulo sa gitna ng tagumpay.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 27, 2007 1:04:48 GMT 8
Impostora Naman Si Sunshine Gagawa ng teleserye sa Channel 7 si Direk Maryo J. delos Reyes at balita namin ay pinamagatan itong Impostora na magiging bida ay si Sun shine Dizon. Tuwang-tuwa ang aktres at nasabing sa kagustuhan niyang maging Impostora ay nakahanda siyang sumailalim ng audition kung talagang kailangan para lang mapasama sa proyekto.
Loveless pa rin ang aktres kahit maraming manliligaw dahil prayoridad ang career.
Talagang suportado ng GMA 7 ang career ni Shine dahil may follow-up agad ang Bakekang.
|
|