|
Post by laominzi on Mar 18, 2007 12:36:57 GMT 8
post other showbiz news articles
;D
|
|
|
Post by laominzi on Mar 18, 2007 12:37:16 GMT 8
BAKEKANG, TINALO ANG KAMPANERANG KUBA lorena marquez 02/16/07
mataas pa rin ang rating ng "bakekang" na dating pinagbibidahan ni nora aunor sa pelikula na ngayon ay ginagampanan ni sunshine dizon (na magaling umarte huh!). matatapos na lang ito ay patuloy pa ring sinusuportahan ng viewers. samantalang ang "kampanerang kuba" noon ni vilma santos at ginampanan sa tv ni anne curtis sa abs ay nagkandakuba sa ratings. nagkakataon lang kaya na hindi nagri-rate ang mga remakes sa tv ng mga pelikula ni vilma at taob sa remake ng teleseryeng dating pinagbibidahan ni nora?
pero ang remake ng "darna" ni vilma (at ng maraming datihang aktres na gumanap dito) sa GMA ay nagrate naman. pero ibinibigay ang credit nito kay angel locsin na super sexy at isa sa mga sikat na artistang kabataan ngayon.
ang kapapalabas ding "palimos ng pag-ibig" ng channel 2 na dating pelikula ni vilma at ngayon ay ginagampanan ni rica peralejo ay namamalimos din sa rating. taliwas sa inaasahan na panonoorin ito ng todo. ngunit tinatalo ng kasabayang anime ng siete. at marami ang nagtatanong kung bakit parang mas bida ang papel ni kristine hermosa na gumaganap sa dating papel ni dina bonnevie.
hindi lang yun. mataas din ang "supertwins" kung saan isa sa mga bida ang anak ni nora na si ian de leon. samantalang ang teleseryeng pinagbidahan ni lucky manzano (kampanera, crazy for you) ay hindi man lang umangat sa mga kapanabayang programa at napag-iwanan. pinupuri din ang ipinamamalas na pag-arte ni ian sa supertwins. si lucky ay mas effective daw bilang vj at host. may bahid din ba ng nora-vilma rivalry sa mga anak na ito ng dalawang reyna or nagkakataon lang? hindi naman siguro dahil mas senior ang ian de leon kaysa lucky manzano.
samantala, ang galing ni sunshine dizon sa pag-arte ay masusubaybayang muli sa gagawing teleserye pagkatapos ng "bakekang" na pinamagatang "impostora" kung saan ididirek ito ni maryo j. delos reyes na nagdirek ng napakaraming pelikula ni nora. at si sheryl cruz naman ay may bago ring soap at gagampanan niya ang papel ni ate vi sa dati nitong pelikulang "sinasamba kita" para sa sine nobela ng GMA 7. bagay daw kay sheryl ang role ni vilma. dahil napagkikita raw sa "bakekang" ang pagiging hysterical ng pag-ganap niya bilang valeria dito. may nagbiro pa na nora ang acting ng pag-arte ni sunshine at vilma naman si sheryl. nakakatuwa naman.
knowing GMA 7, siguro naman ay tataas ang rating ng remake na ito ng "sinasamba kita" ni vilma.
sinadya man o nagkakataon lang, pero kapansinpansin di ba? sa palagay nyo?
|
|
|
Post by laominzi on Mar 19, 2007 7:15:49 GMT 8
Juday napaluha sa acceptance speech ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Ang Pilipino STAR Ngayon 03/19/2007
Dumating sina Maricel Soriano at Gina Pareño para personal na tanggapin ang kanilang award sa bilang Best Performance by an Actress in a Leading Role Drama sa katatapos na 4th Golden Screen Awards ng ENPRESS. Nag-tie ang dalawa sa nasabing kategorya, si Maricel nanalo para sa Inang Yaya at si Gina ay para sa Kubrador.
Napaluha naman si Judy Ann Santos sa kanyang acceptance speech sa pagkakapanalong Best Performance by an Actress in a Leading Role Musical or Comedy para sa Kasal, Kasali, Kasalo. Si Piolo Pascual ang Best Actor sa kategoryang ito para sa Don’t Give Up On Us, pero di nakarating dahil may concert sila ni Sam Milby.
Hindi nakarating si Alcris Galura na nanalong best Performance by an Actor in a Leading Role Drama dahil nasa Mulanay, Quezon at nagsu-shooting. Nanalo siya para sa Batad: Sa Paang Palay).
Others winners:
Best Motion Picture Drama – Kubrador (MLR Films)
Best Motion Picture Musical or Comedy – Kasal, Kasali, Kasalo
Best Performance by an Actress in Supporting Role Drama, Musical or Comedy – Cherry Pie Picache (Twilight Dancers)
Best Performance by an Actor in a Supporting Role Drama, Musical or Comedy – Nonie Buencamino (Batad)
Breakthrough Performance by an Actress – Maja Salvador (Sukob)
Breakthrough Performance by an Actor – Sid Lucero (Donsol)
Best Director – Jeffrey Jeturian (Kubrador)
Best original Screenplay – Ralston Jover (Kubrador)
Best Screenplay Adaptation – Dinno Erece (Zsa Zsa Zaturnnah: Zee Mooveh)
Best Cinematograhpy – Eli Balce (Donsol)
Best Editing – Jay Halili (Kubrador)
Best Production Design – Aped Santos & Noel Navarro (Batad)
Best Sound – Ditoy Aguila (Kubrador)
Best Musical Score – Sr. Belinda Salazar (Batad)
Best Original Song – Ikaw Ang Superhero ng Buhay Ko (Zsa Zsa Zaturnnah)
Best Visual Effects – Larger Than Life (Liga lig)
Lino Broca Lifetime Achievement Awardee – Gina Alajar
Kasama ni Gina Alajar ang mga anak na sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann at kasama naman ni Sid ang inang si Bing Pimentel. Sa sobrang tuwa, nakapag-s—t ang actor on stage at mabuti na lang hindi live ang awards nights.
Katuwa si Ryan Agoncillo dahil hindi umeksena nang manalo si Judy Ann Santos at pinabayaan itong interbyuhin ng press. Ang ganda-ganda ng actress sa costume na gawa ni Paul Cabral at gawa naman ni JC Buendia ang suit ng TV host-actor.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 19, 2007 7:19:28 GMT 8
Judy Ann wins her third trophy from the Golden Screen Awards
Judy Ann considers boyfriend Ryan Agoncillo as her "lucky charm." Nonie Nicasio | Monday, March 19, 2007 CF
Masayang-masaya si Judy Ann Santos sa pagkapanalo niya para sa kategoryang Best Performance by an Actress in a Leading Role-Musical or Comedy sa 4th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society Inc. (Enpress) para sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema. Ginanap ang awards night sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City noong Sabado, March 17.
Aminado si Judai na kahit ilang beses na siyang nanalo ng acting award, nandoon pa rin lagi ang kaba at excitement.
"Sa ganitong pagkakataon, iba talaga ang mararamdaman mo kahit ilang ulit ka nang nanalo ng award. Lalo na rito sa Enpress, naiiba sila dahil sa pagbibigay parangal sa mga natatanging comedy movies. Mahirap magpaiyak ng manonood, pero mas mahirap magpatawa," saad ni Judai sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ikatlong tropeyo na ito ni Judai sa Golden Screen Award. Three years ago, nakamit din ng young superstar ang kauna-unahan niyang acting trophy sa award-giving body na ito na binubuo ng mga entertainment media sa pamamagitan ng pelikulang Mano Po 2 para sa kategoryang Best Performance by an Actress in a Supporting Role. Nang sumunod na taon, nakuha rin niya ang Best Performance by an Actress in Leading Role—Drama para sa pelikulang Sabel.
Suki na ba talaga siya sa Golden Screen Awards?
"Nagiging habit na ba ito?" nakatawang sagot-tanong ni Judai. "Sobrang nakakatuwa dahil always-always, sinisimulan ng Enpress na maganda ang taon ko. And in fairness sa Enpress, they never fail to surprise me whenever na dumarating ang ganitong season. Nakakatuwa kasi lahat ng magagandang pelikula ay nabibigyan ng pansin. Everybody is really happy sa lahat ng nanalo ngayong gabi. Kaya thank you talaga, thank you talaga."
Inamin din ni Judai na ang nobyo niyang si Ryan Agoncillo ang kanyang lucky charm at ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon. Idinagdag pa niyang nakatulong din para mas maging kumportable siya na si Ryan ang kanyang leading man sa Kasal, Kasali, Kasalo na magkakaroon ng Part 2 in time for the 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF).
"Siguro kasama na ‘yon, kasama na yung pagiging inspired ko," pag-amin ng young actress. "Hindi siguro magiging ganoon kanatural ang arte ko sa Kasal Kasali... kung hindi rin si Ryan ang ka-partner ko roon. Of course, si Ryan ang inspirasyon ko. Mula nang pumasok ang taon na kasama ko siya, palagi na akong nabibigyan ng parangal. I guess tama ang sinabi ko na he's really my lucky charm.
"Aside from the fact na the producers are giving me the right projects as well. And I'm just so lucky to be having a good career and to gave a great boyfriend beside me. So, masayang-masaya talaga ako."
Tungkol naman sa kasalan issue with Ryan, umiiwas man ay nagbigay pa rin siya ng komento ukol dito.
"Well, wala akong maisagot, e!" tawa niya. "Wala pang sagot sa tanong na ‘yan, kasi, wala pa akong isasagot, e. Pero malalaman n'yo naman kung meron na."
Samantala, dahil matapos i-announce na si Piolo Pascual ang winner bilang Best Comedy Actor ay pabirong sinabi ni Judai habang commercial break (off the air) na, "Para sa amin, si Ryan ang Best Actor." Nominado rin si Ryan sa naturang kategorya para sa Kasal, Kasali, Kasalo, samantalang si Piolo naman ay nanalo para sa Don't Give Up On Us, na incidentally ay si Judai rin ang kanyang leading lady.
Inusisa ng PEP kung may meaning ba ang pahayag ni Judai na ito.
"Binasa ko lang naman yung placard ng mga fans namin dito," paglilinaw niya. "Wala namang ganoon na hindi ako happy sa pagkapanalo ni Piolo, wala namang ganoon. Pero I really have nothing against kung sino man yung nanalo. I really believe na kung sino man yung nanalo, that's the final decision of the Enpress people. So ano ‘yon, nirerespeto ko ‘yon."
Dagdag pa niya, "I think si Piolo deserves it, hindi naman kasi bibigyan ng Enpress ng award ang isang tao kung hindi siya deserving sa isang pelikula, hindi ba?"
Tungkol naman sa issue ng pagiging Box Office Queen, nilinaw ni Judai na wala siyang anumang nararamdamang sama ng loob dito.
Marami kasi ang naniniwala na dapat ay si Judai ang itinanghal na Box Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Awards dahil sa lakas sa takilya ng dalawa niyang pelikula last year, ang MMFF topgrosser na Kasal, Kasali, Kasalo at ang Don't Give Up On Us. Sina Kris Aquino at Claudine Barretto ang itinanghal na Box Office Queens para sa pelikula nilang Sukob.
"Wala, wala akong nararamdamang bitterness or something. Kagaya ng sinabi ko, kung ano yung desisyon ng mga hurado sa Guillermo, well respected ‘yon. Kung ano yung napagdesisyunan nila, okay ako roon. Basta ako, masaya ako na naging topgrosser ang pelikula namin, okay na ako roon," nakangiting sabi pa ni Judai bilang pangwakas.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 19, 2007 7:22:01 GMT 8
Janno and Bing to file formal charges against alleged stalker
The alleged stalker claims that she and Janno have a relationship and they already had sex together. Rose Dionson | Sunday, March 18, 2007 CF Janno and Bing to file formal charges against alleged stalker
"Sinasabi niya [alleged stalker] sa text that she'll hire daw someone to kill them [his family]. There was even a day the texts went up to 80 messages from the same person. Nag-charge lang ako tapos pagbukas ko ng cell phone ko, may 80 text messages na ako galing sa kanya," narrates Janno Gibbs about the threats made by the alleged stalker. Photo: Noel Orsal
Pinaghahandaan na ng mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga ang pagsasampa ng pormal na kaso laban sa 17-year-old dalaga na tagahanga diumano ng actor-singer. Isinumbong nina Janno at Bing ang dalaga at inaresto ng mga awtoridad noong Huwebes, March 15, matapos ang ilang ulit nito diumanong pagbabanta thru text na dudukutin at papatayin ang dalawa nilang anak na babae.
Sabi nga ni Janno na noong una ay ayaw pa sana nilang pansinin ang nasabing pananakot, pero nang tumagal ito ng dalawang buwan ay ipinasya nila ni Bing na isumbong na sa mga awtoridad ang ginagawa ng diumano'y obssessed fan. Hindi na nga raw naiwasang mangamba ng mag-asawa nang sabihin diumano ng naturang fan sa huling text nito na isasagawa niya ang planong pag-kidnap sa mga anak nila noong Huwebes, March 15. Kaya agad silang kumilos at isinumbong sa mga awtoridad ang tungkol dito. Maagap namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis para arestuhin ang suspect sa isang fastfood chain sa Kalayaan Avenue at kanto ng V. Luna sa Quezon City.
Sa panayam ng TV Patrol World, sinabi ng 17-year-old supect na may relasyon sila ni Janno at may nangyari na sa kanila, pero itinanggi ito ng singer-actor. Ngayon nga ay may kumakalat na text messages na nagsasabing nahaharap diumano sa statutory rape o panggagahasa ng menor de edad si Janno.
Sinabi naman ni Janno na walang katotohanan ito at naniniwala siya na pakana pa rin ito ng ipinadakip niyang alleged stalker. Expected na nga raw ni Janno na dahil sa ginawa niya ay mas marami pang paninirang gagawin ang suspect. Pero wala na raw siyang pakialam kung paniniwalaan ito o hindi ng mga tao dahil ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang kaligtasan ng kanyang pamilya, lalo na ng dalawa nilang anak ni Bing na sina Alyssa at Gaby.
"What the people will say is the least of my concerns these days. I am terribly depressed and so is my family. Kasi kung ako lang talaga, kaya ko yun, e. Pero ‘pag yung mga bata na, like I said, it's another story."
Ni-reveal din ni Janno na pati ang kanyang amang aktor na si Ronaldo Valdez ay biktima diumano ng pananakot ng nasabing fan.
"Hindi lang mga bata ang may death threats, pati ang Dad ko. Sinasabi niya [alleged stalker] sa text that she'll hire daw someone to kill them. There was even a day the texts went up to 80 messages from the same person. Nag-charge lang ako tapos pagbukas ko ng cell phone ko, may 80 text messages na ako galing sa kanya," kuwento pa niya.
Ikinatatakot nga raw ni Janno at ng pamilya niya ngayon ay nakalabas na uli ang suspect. Kaya minabuti nila ni Bing na huwag na munang papasukin sa school ang mga anak nila.
"Worried na naman kami especially for the kids, so we are planning our own efforts for their safety kasi kung ako lang talaga, kaya ko yun, e. Pero 'pag yung mga bata na, like I said, it's another story. Hindi muna namin sila papapasukin hangga't hindi naaayos ang lahat," sey pa ni Janno.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 19, 2007 7:27:05 GMT 8
Iwa Moto shrugs off Katya Santos's comments about her
Iwa denies snubbing Katya on the set of the defunct teen show Posh. Dinno Erece | Sunday, March 18, 2007 CF Iwa Moto shrugs off Katya Santos's comments about her
Katya Santos named Iwa Moto as the "worst actress" on DJ Mo Twister's "Forbidden Questions." Photo: Noel Orsal
Deadma lang ang young actress na si Iwa Moto sa mga comments sa kaniya ng Viva Hot Babe na si Katya Santos.
Sa "40 Forbidden Questions" ni Katya sa radio show ni Mo Twister sa Magic 89.9 na Good Times last March 14, tatlong beses nabanggit ni Katya ang pangalan ni Iwa: bad encounter with a celebrity, worst actress, and e-mail play.
Sabi ni Katya, nang mag-guest siya sa defunct QTV 11 show ni Iwa noon na Posh, dinaan-daanan lang daw siya ni Iwa at hindi pinapansin. At one point pa raw, habang nagte-taping siya, nakita siya ng kasama ni Katya na parang may ibinubulong about her sa isa pa nilang co-star na si Nikki Bacolod.
Together with Mark Herras, sila ang sa opinion ni Katya na worst actor and actress dahil hindi naman daw siya bilib sa mga product of reality shows. Parehong galing sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck sina Iwa at Mark.
Sa e-mail play, Katya said Iwa's e-mail could be "japanesebiatch@yahoo.com."
Nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iwa with her friends sa Starbucks Tomas Morato Friday night, March 16, kinunan namin siya ng reaksiyon tungkol sa mga pahayag ni Katya laban sa kanya.
May nakapagkuwento na rin daw sa kaniya about Katya's reactions towards her.
Hindi raw totoong dinedma niya si Katya, ayon kay Iwa. Pagdating nga raw sa set, nag-hello raw si Iwa kay Katya. Hindi nga lang niya kinausap si Katya all throughout dahil nahihiya siya rito, not formally introduced naman daw kasi sila.
Doon naman sa bulungan nila ni Nikki habang nagti-tape si Katya, totoo raw na nagbulungan sila, but definitely not about Katya. Ayon pa kay Iwa, may dahilan din daw kung bakit sila nagbulungan; nagti-tape nga noon so they have to be quiet in their conversation.
Tanggap din ni Iwa kung worst actress siya for Katya. She cannot please everyone naman daw with her acting. Mas natutuwa nga raw siya sa ganitong mga puna dahil mas lalo siyang namu-motivate to strive harder.
Through it all, gusto pa ring humingi ng dispensa ni Iwa kay Katya for this misunderstanding. Ayaw niya ng may kaaway, lalo pa't established star na raw si Katya at siya'y nagsisimula pa lang. As to her e-mail address, natatawang sinabi ni Iwa na hindi raw ito ang kaniyang e-mail address.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 11:53:12 GMT 8
Oyo Sotto denies reconciliation with Angel Locsin
Oyo reveals that he initiated breakup with Angel. Rose Dionson | Tuesday, March 20, 2007 CF Oyo Sotto denies reconciliation with Angel Locsin
"Nagkikita pa rin kami at nagtatawagan 'pag may time. Nakakatawa nga kasi akala ng tao, first time uli naming magkita after a long time dun sa wedding ni Danica. Ang totoo niyan, ilang beses na kaming nagkita before the wedding. Okay kami, walang problema," says Oyo Sotto about his relationship with ex-girlfriend Angel Locsin. Photo: Courtesy of Imagine Nation Photography
Maugong ang sitsit na nagkabalikan na sina Oyo Sotto at Angel Locsin. Diumano, naganap ang reconciliation sa kasal ng kapatid ni Oyo na si Danica Sotto sa basketball player na si Marc Pingris noong March 3, kung saan sina Oyo at Angel ang naging magkatuwang bilang veil sponsors.
Ngunit itinanggi ni Oyo ang nasabing balita.
Aniya, "Hindi totoong kami na ulit ni Angel. Naniniwala ako na kung talagang kami ay magiging kami kahit hindi natin pilitin. Hindi kami nagmamadali. Sa ngayon, mas okay kami nung ganito na magkaibigan lang."
Inamin ni Oyo na kahit break na sila ay may komunikasyon pa rin sila ni Angel.
"Nagkikita pa rin kami at nagtatawagan 'pag may time. Nakakatawa nga kasi akala ng tao, first time uli naming magkita after a long time dun sa wedding ni Danica. Ang totoo niyan, ilang beses na kaming nagkita before the wedding. Okay kami, walang problema," aniya pa.
Aminado rin ni Oyo na siya ang nag-initiate ng breakup matapos ang dalawang taong relasyon nila ni Angel. Gayunman, hindi niya nilinaw kung totoo ang naglabasan na ang kawalan nila ng oras sa isa't isa ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
"Ako yung nag-initiate," sabi ni Oyo. "Tapos pinag-usapan namin. Nag-agree naman siya. Pareho naming na-realize na mas mabuti na yung ganito."
Dagdag pa ni Oyo na hindi naging madali para sa kapatid niyang si Danica ang paghihiwalay nila ni Angel na naganap noong Disyembre 26, 2006. Naging malapit daw kasi sobra si Angel sa pamilya Sotto lalung-lalo na kay Danica.
"Minsan naiiyak siya. Kasi nasanay na siya na kasa-kasama namin si Angel sa mga lakaran. Lalo na nu'ng hindi pa siya nag-aasawa," kuwento ni Oyo.
Nilinaw rin ni Oyo ang lumabas na balita na may bago na siyang girlfriend. Diumano, kapitbahay nila ang ipinalit niya sa young actress.
"Wala. Hindi totoo," iling ni Oyo. "Paano mangyayari yun, e, wala nga akong kilala sa mga kapitbahay namin?" ngiti pa niya.
Ayon pa kay Oyo, nang lumabas ang isyu tungkol sa pagkakaroon niya ng bagong nobya ay agad niyang tinawagan si Angel.
"Sinabi ko sa kanya na hindi totoo. Kasi ayoko namang isipin niya na hindi ako nagsasabi sa kanya. May pinagsamahan naman kami nung tao and it's just fair na sa akin niya unang malaman kung ano talaga ang real score. Respeto na lang," aniya pa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na na-link sa ibang babae si Oyo simula nang mag-break sila ni Angel. Ilan sa mga nabalitang may kaugnayan sa kanya at naging dahilan pa umano ng hiwalayan nila ni Angel ay ang ex-girlfriends niyang sina Alessandra de Rossi at Anne Curtis, Bing Loyzaga, at Kristine Hermosa. Pero lahat ng nabanggit ay mariing pinabulaanan ni Oyo.
"Sa ngayon, hindi pa ako ready na ma-in love ulit. Mabuting i-enjoy ko muna ang pagiging single," aniya pa.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 11:54:57 GMT 8
Jewel Mische voted as the least deserving among the 'StarStruck' Final 6
Jewel admits she is not that close to the other two finalists, Kris Bernal and Rich Asuncion. Ruel Mendoza | Tuesday, March 20, 2007 CF Jewel Mische voted as the least deserving among the 'StarStruck' Final 6
"Opinyon po nila ‘yon and we have to respect that. All I have to do is prove to them that I have improved and I deserve the place that I am in right now," says Jewel Mische after being voted as the least deserving among the StarStruck Final 6. Photo: Courtesy of GMA-7
Aminado ang StarStruck finalist na si Jewel Mische na miss na miss na niya ang na-eliminate na kasamahan nilang si Paulo Avelino, na siya ring ka-loveteam niya. Si Paulo lang daw kasi ang naging sobrang close niya among the boys ng StarStruck. Tuwing may mga activities daw sila, sila ni Paulo ang magkatabi sa sasakyan at laging nagbibiruan.
Nang matanggal si Paulo at hindi nakasali sa Final 6 ay nalungkot nang husto si Jewel.
"I can't help but feel sad because nasanay na ako na kasama ko parati si Paulo. Just imagine na the whole week na may activities kami, si Paulo ang laging nasa tabi ko. Then, bigla siyang mawawala, nakakapanibago talaga. It's not the same when he's not around," malungkot na sabi ni Jewel.
Inamin din ni Jewel na hindi siya masyadong close sa dalawa pang female finalists na sina Kris Bernal at Rich Asuncion. Mas nasasabihan pa nga raw niya ng kanyang mga nararamdaman ang male finalist na si Prince Stefan.
Ayon kay Prince, para raw nanghina si Jewel nang hindi makapasok si Paulo sa Final 6. Pero pinayuhan ni Prince si Jewel na huwag siyang panghinaan dahil malapit na ang Final Judgment ng StarStruck The Next Level.
"Ilang days lang naman ako gano'n, but now I've recovered na. Nakakapanibago lang but I have to accept that Paulo will not be here all the time," sabi ni Jewel.
"Siguro right after na ng Final Judgment, whatever happens, I want Paulo and I to continue our special friendship. Like what I said before, marami pa akong gustong malaman kay Paulo and the three months na magkakasama kami is not enough. I wish that we get to know each other more after this contest."
Last Sunday, March 18, si Jewel ang nakakuha ng pinakamaraming votes mula sa StarStruck Avengers sa tanong kung sino among the Final 6 ang hindi dapat iboto ng Council (composed of Louie Ignacio, Lorna Tolentino, and Douglas Quijano) at ng viewers. Ayon sa mga bumoto kay Jewel, mas deserving daw kasi si Stef Prescott sa puwesto niya.
"Opinyon po nila ‘yon and we have to respect that. All I have to do is prove to them that I have improved and I deserve the place that I am in right now," huling pahayag ni Jewel.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 11:55:36 GMT 8
Ai-Ai delas Alas forced to say sorry to James Yap
"Nag-sorry ako para matapos na lang kasi inaaway niya si Friendship [Kris]," says Ai-Ai. Roldan Castro | Monday, March 19, 2007 CF Ai-Ai delas Alas forced to say sorry to James Yap
"Hindi ko talaga akalain na kababae kong tao ay papatulan niya ako. Ang tagal ko na rin sa showbiz, pero wala namang nagtaray sa akin na lalaki—puro babae!" says Ai-Ai delas Alas about James Yap. Photo: Emerson Sy (James) & Noel Orsal (Ai-Ai)
Kaugnay pa rin ng pagbibiro ni Ai-Ai delas Alas noon kay Kris Aquino, na isoli na lang ni Kris ang asawa nitong si James Yap sa nanay niya noong kasagsagan ng James Yap-Hope Centeno controversy, isang text message diumano ang natanggap ni Ai-Ai mula kay James. Ito raw ang nilalaman ng text message ng asawa ni Kris kay Ai-Ai: "Ayusin mo pananalita mo, hindi ka nakakatuwa."
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai ay inihayag niya ang kanyang naramdaman pagkabasa sa text message sa kanya ni James.
"Una siyempre, na-shock talaga ako dahil number ni Friendship [tawag niya kay Kris] ang nag-register sa cell phone ko. Pero medyo nahimasmasan ako at na-shock kasi Tagalog," panimulang kuwento ni Ai-Ai.
"Ako naman, sa kagagahan ko rin, yung mga text kong ganoon kay Kris, yung sa akin, tsikang magkaibigan lang yun. Kahit naman sa ibang tao, nasasabi ko rin yun. Kunwari magkaaway yung kaibigan kong mag-asawa, nasasabi ko yun. Kahit sa ka-relasyon ko, sinasabi ko talaga, ‘Sige, ibababalik kita sa nanay mo! Wag mo akong inisin!' Kasi, sa Pinoy, isang joke yun na normal lang," paliwanag pa niya.
"Ang sabi ko talaga sa kanya [Kris], ‘Friendship, naku, para huwag ka muna mamroblema, ibalik mo muna ‘yan [James] sa nanay niya.' Half dun, joke. Sinasabi yun ng isang kaibigan sa kapwa niya kaibigan na namumroblema para matawa siya, para to lighten up kung ano ang nangyayari sa buhay niya, which is ganoon naman tayong mga Pinoy, 'di ba? Lalo na kung babae sa babae, natural lang magko-comment sa kanya.
"Unang-una siyempre, nainis ako," pag-amin niya. "Alam ko naman na siya yun, bakit number ni Kris ang ginamit niya? Bakit hindi siya gumamit ng cell phone niya para masagot ko naman siya. Ang duwag naman niya. Sana sariling cell phone na lang niya ang ginamit niya, para tuloy wala siyang load!
"Tapos, tinext pa ni Friendship na three days na silang nag-aaway dahil dun. Alam mo, nawalan ako ng choice kundi mag-sorry sa kanya [James] kahit naiinis ako. Hindi ko nailabas ang tototoong nararamdaman ko. Nag-sorry ako para matapos na lang kasi inaaway niya si Friendship.
"Nagkausap kami ni Kris after that. Sabi ko, ‘Sorry, alam mo naman na anything [that] hurts you, hurts me. Sabihin mo kay James, 'sorry,' para matapos na lang itong mga atsu-atsu,'" bulalas pa ni Ai-Ai.
"Actually, ‘pag may nangyayari na ganito, inaaway ni James si Friendship. Ayoko nang awayin pa ni James si Kris kasi mahal ko naman yung tao. Ako na lang ang awayin niya, kasi ako, wala namang dinadalang baby, e! Okay lang yun. Ako, normal ako, e! Puwede akong lumaban sa kanya. ‘Wag si Kris ang awayin niya. Kasi si Kris, may baby—na baby rin niya. Kawawa naman, 'di ba? Magbigay naman siya ng kunsiderasyon."
Sinabi pa ni Ai-Ai na para hindi na raw masaktan si James sa comment niya na isoli na lang ito sa nanay niya, sasabihin din daw niya kay Tita Cory (Aquino, ina ni Kris) na kunin na lang niya uli si Kris para baligtad.
"Hindi ko talaga akalain na kababae kong tao ay papatulan niya ako. Ang tagal ko na rin sa showbiz, pero wala namang nagtaray sa akin na lalaki—puro babae!" himutok pa ni Ai-Ai bilang pangwakas.
|
|
|
Post by laominzi on Mar 20, 2007 11:56:18 GMT 8
Judy Ann Santos denies transferring to GMA-7
Juday talks about her upcoming film, Ouija. Candice Lim | Monday, March 19, 2007 Judy Ann Santos denies transferring to GMA-7
"Masaya, bonding kami sobra ng cast. Masaya sa Camiguin. Nangitim kami ng slight, nag-picture-picture... Wala kaming nakasalamuhang mga multo, in fairness. Napakababait ng mga tao sa Camiguin," says Judy Ann Santos about the shooting of her new film Ouija. Photo: Noel Orsal
"Halfway through na kami," says Judy Ann Santos about her upcoming horror movie, Ouija, under GMA Films and Viva Films. "Hopefully, mapalabas na siya within this year. Hopefully, end of summer or mid-year ng taon na ‘to."
Juday dispels rumors that the movie is a tell-tale sign that she is transferring to GMA-7, rival station of her home network ABS-CBN, in the near future.
"Hindi pa naman. Wala pa namang ganung isyu kasi guesting lang naman. Naka-kontrata ako sa ABS-CBN sa mga TV shows. Itong ginagawa ko sa GMA-7, clearly pelikula lang," asserts the Best Actress for Musical/Comedy in the recently concluded 4th Golden Screen Awards.
She explains, "Ever since naman, I could always go to GMA-7 and guest sa mga TV shows nila. Always naman akong welcome sa kanila. Ngayong nagsu-shoot ako ng movie sa kanila, hindi naman nila pinaramdam sa akin na tumatawid lang ako. Very kind sila, very nice. Everybody's been so nice to me from the cast to the crew to the staff to the big bosses—sa lahat ng shooting days, nandoon sila. Hindi nga ako makapaniwala na, ‘Eto pala ang mga big bosses ng GMA-7!' Talagang 'andoon sila sa set nakikipag-chikahan. Nakakatuwa!"
Juday says she enjoyed working with the Kapuso cast and crew.
"Positive vibes lahat," exclaims Juday. "Masaya ‘yong atmosphere namin sa pelikula. During ng shooting namin, kain lang, tsikahan, parang hindi horror ‘yong ginagawa namin!"
She continues, "Lahat kami relaxed kasi mayroon kaming prayer warrior na naka-antabay lagi sa amin, kasi since horror ang ginagawa namin, medyo delikado kasi may Ouija board talaga kaming ginagamit—baka maka-attract ng negative spirits. Nakakatuwa lang sa GMA-7 kasi mas umabante sila sa safety ng artista at sa mga crew. Hindi sila nagpabaya sa ganoong aspeto."
The film, which also stars Juday's friend Jolina Magdangal, was mostly shot in Camiguin, an island off the coast of Misamis Oriental.
"Ang ganda! Ang ganda-ganda niya! Nagpunta kami sa White Island, ‘yon ang isa sa mga beautiful spots ng Camiguin. Ang daming puwedeng gawin sa Camiguin, e, tapos babalik ka ng Cagayan. Marami ka pang puwedeng gawin, so puwedeng malamang magka-chapter two pa ‘yong Camiguin namin," says Juday.
She adds that they stayed there for four days. She was with her boyfriend, Ryan Agoncillo, and Jolina was also with her beau, Bebong Muñoz. Juday says that they weren't able to spend much time with each other.
She comments, "Talagang trabaho kami doon. Doon, walang chance. Hindi nga kami nagkita ni Bebong, e, kasi nagte-take ako, nagmo-motor sila... Noong paalis na si Jolina, nasa resort naman na si Bebong, so walang chance na magkita-kita kami.
"Actually, mas nakakaawa nga si Jolina kasi pagdating niya doon, shoot kaagad tapos umalis sila ng madaling-araw ng Sunday para humabol sa S.O.P., na hindi naman siya umabot sa opening. Siya ‘yong pinaka-kawawa sa amin. The rest [of the cast], we're just relaxing. We're just enjoying the view. The cast and crew sobrang bonding lang talaga."
Will Juday be named the horror flick queen with Ouija?
She answers, "Siguro suwerte lang talaga ako. Nagkakataon na ‘yong mga projects na ibinibigay sa akin, maganda, kakaiba ‘yong role, and may mga mahuhusay akong direktor na nagga-guide sa akin kung paano itawid nang tama ‘yong eksena."
She quips, "Ano lang ‘yan, time-time lang iyan. Oras-oras lang ‘yan."
|
|