Sex-comedy "One Night Only" rated R13![](http://i142.photobucket.com/albums/r104/welovejen/one%20night%20only/b8f8deea3.jpg)
The girls of One Night Only (from left) Alessandra de Rossi, Diana Zubiri, Katrina Halili, Jennylyn Mercado, and Valerie Concepcion will cross paths in a motel called Lover's Hideaway. Find out more about the movie by visiting the MMFF microsite by clicking HERE.
Courtesy of OctoArts Films
Ricky Calderon
Tuesday, December 16, 2008
09:35 AM
Inamin ng One Night Only director na si Jose Javier Reyes na nanginginig siya nang rebyuhin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanyang latest movie na entry ng OctoArts Films. Ipapalabas ito sa mga sinehan bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Fest simula December 25, araw ng Pasko.
"E, kasi naman sa motel ang location ng movie kaya hindi kami dapat umasa na mabibigyan kami nang classification na PG 13. Iyon sana ang gusto ng producer ko [Mr. Orly Ilacad]. Sabi ko, let's get real naman. Hindi ka naman pupunta ng motel para kumain ng pansit," natatawang pahayag ni Direk Joey nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa huling presscon ng One Night Only.
Ayon pa kay Direk Joey, talagang pang young adults at para sa mga adults talaga ang One Night Only. Sa katunayan, nakakuha ng MTRCB rating na R13 ang sex-comedy na ito.
"Pero masayang-masaya ako sa kinalabasan ng pelikula. Masayang-masaya ako talaga," pahayag pa ng award-winning director na ilang ulit na rin nanalo sa taunang festival. Noong nakaraang taon, hinirang ang kanyang pagsusulat bilang Best Screenplay Award para sa Katas ng Saudi samantalang noong 2006, napili siyang Best Director para sa Kasal, Kasali, Kasalo.
Agree si Direk Joey na bagamat para sa mga bata ang araw ng Pasko, hindi naman daw ibig sabihin nito ay puro bata na lang ang manonood ng pelikula. Kaya nga varied viewing fare ang hatid ng festival taun-taon.
"Hindi naman dahil maraming bata ang manonood, di naman nangangahulugan na purong pambatang pelikula na lang ang gagawin mo," wika ng director. "Ang gumagasta rin naman ay ang mga magulang. Isinasama nila ang kanilang mga anak. Kaya nga mayroong Iskul Bukol, may Ang Tanging Ina, mayroong Dayo, para sa sa mga bata.
"Mayroon din naman na Desperadas 2, Baler, Magkaibigan at One Night Only para naman sa medyo nakakatanda. Diyos ko naman, kung may taste ka naman at gusto mong matawa at mature na kayo, hindi naman kayo manonood ng Dayo, hindi ba? Manonood naman kayo ng ibang pelikula, yung bagay sa panlasa ninyo."
Ano ang challenge sa kanya sa paggawa nitong One Night Only?
"You know, ang challenge sa amin ay ‘yung pagtagni-tagni ng schedule ng mga tao at umabot kami sa festival. Ang challenge nito ay wala sa mga tao kasi we were having so much fun. We were having so much fun at saka ang daming anecdotes pa kasi nga we're shooting in a motel," kuwento pa ni direk Joey.
"Habang nagso-shooting ka, may mga nagche-check in sa paligid mo, di ba? At alam mo na ang mga nagtse-check na in na mga iyon ay hindi para magkuwentuhan. It was a lot of fun. The challenge here was to come up with a movie that is different and I am hoping that the film looks new, and is new, kung ihahambing mo sa ibang festival entries."
Matagal na raw dream project ni Direk Joey itong One Night Only dahil matagal na niyang gumawa ng pelikula na ang location ay isang motel, isang gabi sa motel at kung anu-ano ang nangyayari sa iba't-ibang uri ng tao na pumapasok sa loob ng isang motel.
"Kung tutuusin mo, bawat tao at bawat kuwarto sa isang motel ay may kuwento. Kung paano umabot ang mga taong iyan sa loob ng motel, may mga ganoong kuwento. I find that interesting tapos nagkakasabay-sabay kayo sa motel, iisa ang ginagawa ninyo pero hindi kayo magkakakilala. Pero iisa ang motibo ninyo," patuloy pang pahayag ni Direk Joey.
The story starts at 3 in the afternoon and ends at midnight, a total of nine hours and what happens to the lives of 15 people in nine hours. May artista na nag-pick up ng extra. May isang lalaki na dalawa ang na-pick up niya sa motel. May bakla, may tomboy, kumpleto ang casting. Tapos may reporter na binugbog ng isang artista. May love triangle din. May congressman din.
In terms of participation, pinakabongga raw si Manilyn Reynes na gumaganap na isang lesbian. "Manilyn was not the first choice but you know, I think there is a way na if the role is meant for you, it's meant for you. And I was happy and surprised with the way Manilyn portrayed her role bilang tibo na lover ni Jennylyn [Mercado]," pahayag pa ni Direk Joey.Hindi ba siya nangangamba na baka hindi kumita ang movie dahil, kahit na comedy itong One Night Only ay medyo maselan naman ang temang tinatalakay.
"Pagdating sa bagay na iyan, I leave it to my producer although siyempre may malasakit ka sa producer and you try to make it as commercial as possible. Pero katulad nga nang sinabi ko, hindi mo naman mapi-predict iyan. Kung mayroon ba tayong siguradong pamamaraan na kikita ang pelikula e, di sana lahat ng producer ginawa na iyon.
Ang concern ko lang, kung minsan sa paniniguro ng mga producer, iyon at iyon na lang ang ginagawa nila, di ba? So maganda na gumawa ka naman ng something na medyo bago. Malay mo, bago yung bagung-bago sa panlasa, maka-attract ng atensiyon. Naka-R-13 kami rito. Sabi nila, we lose the children's market pero sabi ko, hindi naman yun ang legs mo. First week you have the kids. Second week, it's no longer the kids who are watching, di ba? At saka ang mga nanonood ng paulit-ulit ay hindi ang mga bata, kundi yung mga pumupunta ng motel."
Makaka-relate ba ang audience sa mga characters? "I'm sure," simpleng pahayag ni Direk Joey sabay tawa. "I am quite sure kasi naka-relate ako."
Tampok sa One Night Only sina Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Diana Zubiri, Alessandra de Rossi, at Valerie Concepcion.
Kasama rin sa movie sina Ricky Davao, Jon Avila, Joross Gamboa, Paolo Contis, Chokoleit, Ogie Diaz, Empoy, at marami pang iba.