|
Post by laominzi on Feb 4, 2007 14:33:10 GMT 8
;D
|
|
|
Post by topakjandz on Feb 8, 2007 10:07:33 GMT 8
ang ganda ni angel at mabait pa....pareho sila ni jen.....hehehe
kaya mahalin mo ako...waaaaaah!
|
|
jaeger
Class A:Junior Jen Fan
Posts: 109
|
Post by jaeger on Mar 2, 2007 14:04:26 GMT 8
she's okay.
|
|
|
Post by daydreamer24 on Mar 3, 2007 0:25:05 GMT 8
i like angel too =] pinapanuod ko asian treasures xD
|
|
|
Post by laominzi on Mar 19, 2007 7:12:07 GMT 8
Angel, walang panahon sa bagong bahay SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista Ang Pilipino STAR Ngayon 03/19/2007
Napasyal kami sa napakagandang bahay ni Angel Locsin sa executive village sa San Antonio Heights (Royale) kung saan nasa bukana lang ang kanyang bagong biling bahay.
Hanggang ngayon ay naglilipat pa rin sila ng gamit o bibili ng mga bagong kasangkapan kung saan punong abala si Ela Locsin (kapatid ni Angel) at tinutulungan din sila ni Becky Aguila. Kasalukuyang abala ang magandang aktres sa kanyang Asian Treasures kung saan kinukunan ito sa ibang bansa gaya ng Bangkok at sa China, kaya walang time asikasuhin ang bagong bahay.
Kung titingnan ang napakalaking bahay ni Angel ay di mo aakalain na sa sandaling panahon ay makapagpupundar siya ng ganito kagandang bahay. Nakakapanghinayang lang na di nakita ng kanyang daddy na si mang Angel ang naipundar na bahay ng kanyang anak kung saan dun na rin ito maninirahan, dahil nga hindi na ito nakakakita.
|
|
|
Post by WeLoveJen on Apr 10, 2007 14:29:10 GMT 8
Angel kabado sa remake ng `Salome'
By: Nitz Miralles
Personal choice ni Angel Locsin si Gina Alajar na mag-direk ng Angel of Mine, ang episode ng actress-producer sa trilogy movie na Angels ng Eagle Eye Entertainment.
Hindi raw ito tamad mag-share ng alam sa acting at dito magdi-debut as movie director si Gina.
Ayaw sabihin ni Angel kung magkano ang share niya sa movie at ’di rin madiretso kung may talent fee siya.
Ang tiniyak lang, maganda ang pelikula at wish na panoorin ’pag nag-showing sa June 13.
Hindi rin nito naisip na kunin si Oyo Sotto bilang leading man at baka maging awkward daw ang kanilang trabaho.
Ang pagkita ng pelikula ang isa sa birthday wishes ni Angel, na magbi-birthday sa April 23. Gusto rin niyang i-celebrate ang kaarawan sa mapipiling charitable institution.
Wala pang naiisip na next project ang Eagle Eye, pero kung mapapapayag, baka ang remake ng Salome, na pinagbidahan ni Gina, ang gawin.
Naniniwala ang actress-director na bagay kay Angel ang project at ipinapanood na niya ang tape at ninerbyos ang young actress.
Napili na rin ni Gina ang babagay na leading man for Angel.
Hindi lang bilang movie producer ang gustong pag-aralan ni Angel. Dream din nitong maging director, kaya balak mag-aral ng Filmmaking.
Type rin niyang mag-enroll ng Fashion Designing sa La Salle para sa sportswear business na itatayo. People's Tonight April 10, 2007
|
|
|
Post by WeLoveJen on Apr 10, 2007 14:31:22 GMT 8
TF `di pinag-usapan nina Angel, Gina
By: Vinia Vivar
HOT `N SPICY
Nakatsikahan namin si Direk Gina Alajar sa set ng pelikulang Angels, kung saan ay idinidirehe niya ang episode na pinagbibidahan ni Angel, Angel of Mine. Ani Gina, tinanggap niya ang proyekto, her first film directorial job, nang walang pinag-uusapan na presyo.
“Mahal ko kasi itong si Angel (isa sa producers), so, walang problema sa talent fee. Hindi na pinag-uusapan ’yon. Actually, siya ang nagbigay ng break sa akin pagdating sa film direction,” say ni Direk Gina.
Pero aniya, nagkaroon na rin naman siya ng offer noon bilang film director.
“Ako dapat ang magdidirek ng Abakada Ina ni Lorna Tolentino, pero umurong ako that time dahil paalis ako for the States, may pressure.”
Wala raw problema sa kanya na isang episode lang ng trilogy ang kanyang maiden film directorial job. Para lang daw siyang nagpa-practice.
Nang si Angel naman ang tanungin ng press kung kakayanin ba niya ang remake ng Salome ni Gina nu’ng araw, hindi agad nakasagot ang young actress dahil aminado siyang sobrang bigat ng acting na ipinakita ng actress-director sa said movie.
“Ano kasi, eh, mahirap ’yung character. If ever siguro, dapat ready na ako. Kailangan ko ng workshop, if ever,” say ni Angel.
Kung sakali, ang Eagle Eye Productions na ng dalaga ang magpu-produce nito at si Gina na rin ang direktor.
“Nasa planning stage pa lang, kaya ayoko munang magsalita hanggang hindi pa plantsado,” sabi ni Gina.
Anyway, malapit nang matapos ang Angel of Mine episode, gayundin ang Daddy’s Angel episode, na pinagbibidahan ni Marvin Agustin. Ang Angel Love naman nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ay tila tapos na rin.
Sa June 13 ang playdate ng trilogy and since Angel is celebrating her birthday on April 23, wish niya ay kumita ang first venture sa movie production.
* * * Kasama rin sa Angel of Mine episode sina Katrina at Bianca Aguila, also known as the Aguila Twins.
Matatandaang nagkaroon ng rift ang kambal kay Angel, kaya ito ang naitanong sa kanila sa interview.
Ayon sa dalawa, nang magkaayos sila ni Angel last December, parang wala raw nangyari at mas naging close pa sila ngayon.
Between the two, si Katrina raw ang mas close sa aktres kahit noon pa. Siya rin ang kasama ng mommy niyang si Becky nang magkaayos ang young actress at manager.
Matatandaan ding dating member ng Star Magic sina Katrina at Bianca, pero kinailangan nilang i-give-up ang pag-aartista dahil fourth year high school sila that time at bumaba ang grades mula nang pumasok sa showbiz.
“Pinatigil po muna kami ng mommy, mag-concentrate na lang daw kami sa studies,” say ni Bianca.
Ngayon, nasa kolehiyo na ang kambal. Hindi pa rin sila full-time sa showbiz at kaya lang napasama sa cast ng Angels ay dahil gusto nilang suportahan si Angel at ang mommy nila.
“For the love of our mom and Ate Angel lang ito. Studies pa rin po ang priority namin,” say nila. People's Tonight
|
|