|
Post by 61cm on Feb 12, 2007 0:52:47 GMT 8
By: Dinno Erece
APAT ang kambal sa magbubukas na bagong soap ng GMA, ang Super Twins. In terms of story and casting, ang Super Twins na yata ang may pinakamaraming kambal na gagamitin sa isang soap. Of course, ang pinaka bida, sina Jennylyn Mercado and Nadine Samonte as Super S and Super T respectively, kambal, pati na rin ang mga batang magsisiganap sa kanila na sina Nicole Dulalia as Sha-sha and Ella Cruz as Tin-Tin. May tunay na kambal ding mapapanood sa soap, sina Dominic and Felix Roco who will play Lester and Ian respectively, mga kaibigan nina Camille Prats as Drew Barimor at Patrick Garcia as Billy. May pang-apat pa, ang pinaka bida, si Dennis Trillo. Siya si Eliseo, ang mentor ng Super Twins. May connection siya sa pinaka kontrabida ng series na si Eliazar. Kailangan pa bang i-memorize yan? Paanorin niyo na lang ang pilot ng Super Twins mamaya after Asian Treasures sa GMA.
People's Taliba
|
|
|
Post by 61cm on Feb 12, 2007 1:05:31 GMT 8
Jennylyn: Yes, I’m happier By: Mario E. Bautista JENNYLYN Mercado is glad to do an action role as Super S in GMA-7’s new drama-fantasy series, “Super Twins” that starts airing tonight. “We also had to train in the martial arts before taping this and I’m glad may training na ako before in ‘Super Noypi’ kaya hindi na ako masyadong nahirapan,” she says. What can she say about the rumor that she underwent breast enlargement? “I already denied it but no one seems to believe me kaya bahala na lang ang ayaw maniwala. It’s true that I had a breast operation kasi inalis ang lumalaking cyst sa left boob ko, hindi dahil nagpalaki ako.” Is it true she doesn’t get along well with “Super Twins” co-star Nadine Samonte? “I really don’t know kung bakit gusto kaming pag-awayin when we treat each other like sisters. Magkaibigan na kami since our ‘StarStruck’ days at nagtutulungan pa nga kami in doing difficult action scenes sa taping.” Patrick Garcia is also in “Super Twins” but not as her love interest. He’s actually paired with Camille Prats. What can she say about the story that her fans do not approve of Patrick for her? “Hindi naman maaalis ‘yon kasi a lot of them are still hoping magkakabalikan pa kami ni Mark (Herras.) Basta ako, I’m happy with Patrick dahil mabait talaga siya, marespeto, a real gentleman.” What will they do on Valentine’s Day? “I’m busy on that day kasi may Valentine show ako with Janno Gibbs at Zirkoh Timog that night. Siguro manonood na lang siya.” So is she happier now with Patrick than with Mark then? “Yes, I’m happier with Patrick. But please don’t ask me to compare them anymore kasi hindi maganda. Basta I wish Mark well and sana lagi kaming maging friends.”
|
|
|
Post by 61cm on Feb 13, 2007 2:07:40 GMT 8
People's Tonight Wala nang Showbiz Stripped. Lumipat na sa ibang channel si Ricky Lo, kaya hindi na siya mapapanood tuwing Sabado nang gabi. Kinumpirma ito ni Tito Ricky sa isang mini presscon. “Lumipat na nga ako, dahil nasa primetime na kami, this time sa QTV11, every Wednesday, 8:30 pm.” Starting tomorrow, Valentine’s Day mismo, magpa-pilot ang The Ricky Lo Exclusives kung saan iba’t ibang klaseng pag-ibig ang pag-uusapan. Kung ilalarawan namin ang hitsura ni Tito Ricky Lo, habang siya’y iniinterbyu ng mga kasamahang movie press, ay parang hindi siya sanay. Kasi ba naman, sanay siyang siya ang nag-iinterbyu ng mga artista, pero that time ay siya ang tinatanong. Pinakamasarap na interbyuhin? “Aga Muhlach, Gretchen Barretto, Aiko Melendez, Alessandra de Rossi... marami sila, eh!” Pinahintay na ba ng artista sa interbyu? “Si Ryan Agoncillo! Hehehe! Pero nagkaroon kasi ng miscommunication, eh!” Nakaaway na artista? “Edu Manzano.” Pinakaplastik na artistang nainterbyu?: “Wala, eh. Sinasagot naman nilang lahat ang tanong ko.” Nagpaka-fan kanino? “Kay Ms. Susan Roces. Sa mga bata ngayon as in admiration? Sina Gerald (Anderson), Jennylyn Mercado, Angel Locsin, Kim Chiu...marami sila, eh!” Sexiest actor niya? “Richard Gomez, Marc Nelson!” Top 3 senatoriables? “Chiz Escudero, Coco Pimentel, Allan Peter Cayetano.” How about Richard Gomez? “Three lang kamo, di ba? 12 naman ang senators, eh!” Sexlife? “Wala, eh. Muntik na nga akong magpari. But I know everything from reading!” ---- na-mention si jennylyn kaya pinost ko. ![:D](//storage.proboards.com/forum/images/smiley/grin.png)
|
|
|
Post by laominzi on Feb 13, 2007 17:27:46 GMT 8
empo Tiyempo by Chit Ramos
Mag-ingat kay Dennis
Hindi raw si Mark ang dapat bantayan ni Patrick sa ngayon kungdi ang makakasama ni Jennylyn sa bago niyang fantaserye sa GMA 7. Walang nakakaligtas sa lakas ng sex appeal nito. Kahit tahimik at simpleng-simple kung kumilos, kusang nagpupumiglas ang lakas ng atraksyon ito.
Tinutukoy natin ay si Dennis Trillo.
Ito rin ang ipapayo natin sa BF ni Nadine Samonte. Hindi siya dapat maging kampante kahit sinasabing matibay na ang pundasyon ng relasyon nila ni Nadine.
Ibang klase si Dennis. Maraming aktres ang naghahangad na makasama man lang siya sa trabaho. Nang magkaroon sila ng pagkakataong makilala lalo ang binata at makilatis.
|
|
|
Post by laominzi on Feb 13, 2007 17:30:34 GMT 8
PEP By Dinno Erece | Tuesday, February 13, 2007
"Super Twins" beats "Maria Flordeluna" on their pilot episodes
Last episode of Atlantika also clobbers Super Inggo, according to AGB NMR.
Nanaig muli ang GMA-7 sa weekend ratings, mula sa mga nagtapos na shows at sa mga bagong bukas.
Nagsabay ang farewell episodes ng Atlantika ni Dingdong Dantes at Super Inggo ni Makisig Morales last Friday, February 9. The GMA-7 fantasy series ended with a 30 percent overnight ratings based on the official overnight results from AGB NMR Mega Manila, samantalang naka 27.9 percent ang ABS-CBN fantasy soap.
Ang AGB Nielsen Media Research ay isang organisasyon na sumusukat ng impormasyon tungkol sa audience ng mga television shows.
Magkatapat din ang dalawa sa primetime lineups ng mga respective networks nito.
Monday, February 12, nagsabay rin ang pilot ng mga pamalit na programa sa Atlantika at Super Inggo—ang Super Twins nina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, at Dennis Trillo para sa GMA-7 at ang Maria Flordeluna nina Vina Morales, Albert Martinez, Eula Valdes, at Eliza Pineda para sa ABS-CBN naman. Nagtala ng overnight rating ang Super Twins ng 35.94 percent versus 28.08 percent para sa Maria Flordeluna base sa inilabas ng AGB NMR.
Inilabas na rin ng AGB NMR ang Mega Manila Households ratings for the January 1 to 28 period. Labing-tatlo sa top 20 weekday primetime programs ay mula sa Kapuso network, including the top three—ang Asian Treasures nina Robin Padilla at Angel Locsin, Captain Barbell ni Richard Gutierez, at ang primetime news program na 24 Oras.
Hindi rin natinag sa second round ang mga bagong bukas na Sundays shows ng GMA-7, ang Magic Kamison at Mga Kuwento Ni Lola Basyang.
Nag-rate ang sophomore episode ng Magic Kamison ng 14.7 percent against the two loveteam shows Your Song at 12 percent at Love Spell at 10.1 percent.
Naka-18.7 percent naman ang second story ni Manilyn Reynes (Mga Kuwento Ni Lola Basyang) na "Ang Prinsipeng Unggoy" starring Mark Herras and Katrina Halili against TV Patrol Sunday edition na 15.7 percent
------------- Mas mataas parin yung Jenpat Pilot Lola Basyang - 23.7% TVP World - 13.0%
|
|
|
Post by dabasijen on Feb 13, 2007 17:40:07 GMT 8
^ may ganyang hirit talaga? ahahahahahaha yan din sinabi ko nung magtxt si ate ng ratings... ![:)](//storage.proboards.com/forum/images/smiley/smiley.png)
|
|
|
Post by laominzi on Feb 13, 2007 17:45:35 GMT 8
Syempre yaw kong matalo ang manok ko! hehehe..
Buti ka pa tinetext ng ratings..sinong nagtetxt sayo?
anyway, yung Dahil sa iyong paglisan pala, ililipat ata ng hapon. 5-6pm. yun kasi nakita ko na nakaflash sa banner nung previous episode.
Tsaka yung sa DSIP, parang si Dennis yung bida. Tapos asawa nya si Valerie, e may sakit sa heart yung anak nila, napilitan syang mag abroad then si jen vocalist ng tinutugtugan nyang band.
|
|
|
Post by dabasijen on Feb 13, 2007 18:07:38 GMT 8
oo nga daw palit daw ng timeslot...mas ok nga kesa naman super late na...
ganun pala takbo ng story ok na lang...
si ate mia, kagabi nagtxt ng ratings sa akin
di naman lage lage...
|
|
|
Post by laominzi on Feb 18, 2007 0:38:20 GMT 8
By: Nitz Miralles
Sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang gusto ng Regal na bida sa Ang Nanay Kong Aswang.
Paano kaya ito’t galit pa ang actress sa ex-boyfriend dahil sa diumano’y pang-aaway nito sa kanya?
Pero, may exclusive contract sila kay Mother Lily Monteverde at no choice sila kundi gawin ang movie na Mother’s Day presentation ng kumpanya.
Si Joel Lamangan ang director nito from the script of Dinno Erece, na siya ring sumulat ng Manay Po at Zsa Zsa Zaturnnah.
Kasama rin sa cast sina Sandara Park at Joseph Bitangcol, na nasa galit-bati mode rin ang relasyon.
Hindi mahihirapan sina Jennylyn at Mark sa kanilang schedule dahil sa Super Twins lang busy ang una at ang huli’y sa Princess Charming.
|
|
|
Post by laominzi on Feb 18, 2007 0:40:20 GMT 8
May balitang tumanggap si Angel Locsin ng tumataginting na P4M plus house and lot kapalit ng TV ad ni Sen. Manny Villar.
Ito ’yung “mahalin mo ako” at tungkol sa women’s rights ang concept, kung saa’y kasama rin sina Jennylyn Mercado, Tessie Tomas at Rio Locsin.
Si Jennylyn ay tumanggap daw ng P1.5M, pero walang house and lot.
Ikinagulat ng manager nina Jen at Angel na si Becky Aguila ang tsismis. Aniya, wrong figure ito’t walang katotohanan.
Hindi na niya sinabi pa kung magkano ang tinanggap ng mga alaga, but she emphasized na hindi ganu’n ang halaga.
So, alin sa dalawa, more or less?
Ayaw nang magbigay pa ng detalye ang manager.
|
|