|
Post by 61cm on Apr 9, 2007 8:34:11 GMT 8
Ryza Cenon and Jennylyn Mercado finally end their rift Ruel Mendoza Sunday, April 8, 2007
All's well that ends well sa dalawang StarStruck Ultimate Female Survivors na sina Ryza Cenon at Jennylyn Mercado. Tapos na ang naging problema nilang dalawa at mukhang okay na ang lahat sa pagitan nila.
Nagsimula ang issue kina Ryza at Jennylyn nang ma-link si Ryza kay Mark Herras noong sila pa ni Jennylyn. Ikinaselos daw ito nang husto ni Jennylyn at may nasabi raw na hindi maganda si Jennylyn kay Ryza kaya nagkaroon sila ng matinding gap. Naganap ang pag-aayos nina Ryza at Jennylyn nang sabay silang mag-guest sa All-Star K nina Allan K at Jaya. Biniro raw silang dalawa ni Allan at doon nagsimula ang pagbabati nila. "Nagbatian naman kami that night. Hindi lang kami nakapag-usap kasi una akong natanggal sa game kaya umalis na ako. Pero noong mag-recording kami para sa StarStruck Final Judgment, nagbatian kami ulit at bumeso naman ako sa kanya," panimulang kuwento ni Ryza.
"Masarap ang feeling na wala nang taong masama ang loob sa ‘yo at wala ka na ring galit sa taong ito. Sabi ko naman, magkakaayos kami ni Jen sa tamang panahon, hindi yung pipilitin kami. Kaya heto, okay na kami," nakangiti pa niyang sabi.
Wala pa ring boyfriend si Ryza hanggang ngayon. May mga gusto na raw manligaw sa kanya, pero kaagad daw silang bina-basted ni Ryza. Tuloy, natutukso si Ryza na isang tomboy.
"Ay, hindi naman po ako tomboy!" mariin niyang tanggi. "Hindi naman porke't wala akong boyfriend, tomboy na. Hindi pa lang ako prepared sa ganyan. Gusto ko munang magtrabaho nang maayos. Baka maging problema pa ‘yang mga lalake sa buhay ko."
Inamin ni Ryza na nagsisimula na sanang manligaw sa kanya ang StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo kaso ay pinatigil niya ito kaagad.
"Sinabi ko naman kay Marky na hindi pa ako handa. Willing naman daw siyang maghintay. Okay naman si Marky, e. Kaso wala pa talaga sa akin ang magkaroon ng boyfriend. May tamang panahon para diyan," paliwanag ni Ryza.
Bukod sa Ay, Robot! sa QTV 11 at SOP sa GMA-7, kasama rin si Ryza sa Fantastic Man bilang isa sa leading ladies ni Mark Herras. Magsisimula na ang Fantastic Man sa April 14 sa GMA-7.
Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Mark?
"Wala naman akong naging problema kay Mark, e," sabi ni Ryza. "Nag-iwasan lang kami noong nagkaroon kami ng issue. Mabait si Mark at na-misinterpret lang ang pagiging close namin noon. Pareho kasi kami ng manager, di ba? Gusto kasi ni ‘Nay Lolit [Solis] ay close kaming mga anak-anakan niya.
"Matagal ko ring hindi nakatrabaho si Mark at natuwa naman ako't isa ako sa leading ladies niya sa Fantastic Man. Sa dami ng mga nali-link kay Mark, siguro naman hindi na ako isasali diyan kasi tapos na akong ma-link sa kanya," ani pa ni Ryza bilang pangwakas.
|
|
|
Post by 61cm on Apr 9, 2007 8:37:48 GMT 8
Jen at Alex, nagkabati! By: Vinia Vivar
PARA kay Jennylyn Mercado, hindi pakikipagplastikan ang pakikipagbati niya kay Alessandra de Rossi. Matatandaang last Tuesday, winakasan na ng dalawa ang kanilang rift na nagsimula pa last year dahil kay Jeremy Marquez. Sa taping ng Super Twins sa Wildlife nangyari ang reconciliation. Nauna si Jen sa location at nang dumating si Alex, tumayo siya para salubungin ang co-star. Nagbeso ang dalawa at pagkatapos ay magaan ang loob na nagtrabaho. Bagama’t hindi gaanong nag-usap during the taping, sapat na ang ipinamalas nilang gesture to patch things up. As for Jen, nakahinga na rin siya nang maluwag pagkatapos nilang magbati ni Alex, dahil ayaw naman daw niya talaga ng may kaaway sa showbiz. Samantala, last Holy Week ay hindi lumabas ng Maynila si Jen. Sa bahay lang siya nag-spend ng Semana Santa. Nag-bisita-Iglesia siya noong Huwebes kasama ang ina at nu’ng Good Friday naman, magkasama sila ni Patrick na nagpunta sa dating bahay sa Las Piñas. Sa May 15, 20th birthday na ng young actress. Gusto niya sanang magkaroon ng birthday concert, pero this early, wala na raw silang makuhang venue.
|
|
|
Post by 61cm on Apr 10, 2007 2:05:35 GMT 8
IT was nice of Jennylyn Mercado to take the first step in reconciling with Alessandra de Rossi, who’s the new addition in the cast of “Super Twins.”
At the recent taping of the show at Parks and Wildlife, Jen got there early and Alex arrived in the afternoon. When Jen was told that Alex has arrived, she was the one who approached Alex and they made the usual “beso-beso” greeting. Everything that transpired between them because of Jeremy Marquez has been forgotten.
Now, it’s Alex’s turn to reconcile with Rhian Ramos, her co-star in “Luv Pow.” If we’re to believe Rhian, it appears that Alex can joke around but she doesn’t take it well when she becomes the butt of the joke, like when she was the one who made a mistake during the taping and Rhian chided her for it.
As for Jen, she should stop denying that she backed out of “My Kuya’s Wedding” because she didn’t want to be mere support to Maja Salvador.
No less than her manager said that when they read the script, they felt that she’s just a support. Her manager even said that they talked to Roselle Monteverde, daughter of Mother Lily, saying that they’ll accept the project only if the script would be revised and the title be changed. Of course, Roselle said no, since the project was really meant to focus on the relationship between the Kuya of the title and the younger sister who delivers it, played by Ryan Agoncillo and Maja Salvador.
People's Journal
|
|
|
Post by 61cm on Apr 11, 2007 1:03:54 GMT 8
Jennylyn, isinugod sa ospital! By: Vinia Vivar Noong Lunes ng hapon, isinugod na naman si Jennylyn Mercado sa hospital. Kasalukuyan siyang nagti-taping ng Super Twins sa Tierra Pura, Tandang Sora, nang bigla na lang magsikip ang dibdib at hindi makahinga. Sinubukan siyang bigyan ng first aid, pero lalong tumindi ang paninikip ng kanyang dibdib kaya nagpasya na ang staff na dalhin siya sa pinakamalapit na pagamutan. Naka-costume pa si Jen nang dalhin sa New Era Hospital kaya inakala ng mga tao na may taping doon ang Super Twins. Kaagad siyang binigyan ng oxygen and later ay nagluwag na rin ang kanyang paghinga. Ayon sa doktor, stress lang daw ang nangyari kay Jen at dala na rin marahil ng sobrang init ng panahon. Alalang-alala naman ang boyfriend niyang si Patrick, na hindi nakasama sa pagdadala kay Jen sa hospital dahil nakasalang sa camera that time. Nang matapos ang take, kahit naka-costume pa ng pulis ay sumunod agad ang young actor sa pagamutan, gayundin ang kasamahang si Nadine Samonte at ang EP ng naturang fantaserye. Pinayagan ding lumabas si Jen nang gabing iyon and was advised na magpahinga muna. Pero dahil may natanguang show ang young actress sa Taguig that same night, sa halip na mag-rest sa bahay ay dumiretso muna siya sa commitment. Okay na si Jen ngayon at back to work na ulit.
|
|
|
Post by 61cm on Apr 11, 2007 1:14:34 GMT 8
SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista Ang Pilipino STAR Ngayon 04/11/2007
Tinupad ni Jennylyn Mercado ang sinabi niya noon sa S-Files na kapag nagkita sila ni Alessandra de Rossi sa taping ng Super Twins, siya ang unang babati at magwi-welcome dito. Kuwento sa amin, nangyari ito sa taping nila noong Holy Tuesday na natiyempuhang ang kasama sa eksena sa Wildlife Park ay ang ST na sina Jennylyn at Nadine Samonte, dahil supposedly, galing sa misyon ang kambal at tinawagan sila dahil sa nangyari kay Donya Besta (Tetchie Agbayani) at hindi na sila nakapagpalit ng katauhan.
Umaga pa lamang nagti-taping na si Jen at 3:00 p.m. naman ang call-time ni Alessandra. Nagpapahinga si Jen nang dumating si Alex at nang malaman ito ni Jen, tumayo siya at sinalubong niya si Alex. Nag-beso-beso sila at natapos na ang matagal nang hindi nila pagkikibuan. Hindi man daw nakapag-usap ng matagal sina Jen at Alex, iyon ay dahil seryoso ang mga eksenang kinunan pagkatapos.
|
|
|
Post by WeLoveJen on Apr 14, 2007 11:55:12 GMT 8
Jennylyn isinugod sa hospital!
Rey Pumaloy Abante 04/12/07
KUWENTO ng isang mapagkakatiwalaang source, inatake umano si Jennylyn Mercado kamakailan habang nagti-taping sa GMA 7. Hindi namin nakuha ang kumpletong detalye tungkol sa sakit umano ni Jennylyn, pero sabi ng isang kaibigan, agad umano na isinugod ito sa hospital kamakalawa.
Sabi, sa kainitan ng taping, bigla umanong nagsikip ang dibdib ni Jennylyn at nahirapan itong huminga. Hindi raw nakayanan `yon ni Jennylyn, kaya ang dalaga na mismo ang nagsabi sa mga kasamahan niya na dalhin siya sa pinakamalapit na hospital.
Nakaramdam din daw ng hilo at pananakit ng tiyan si Jennylyn.
Anyway, wala raw kamalay-malay ang ibang staff sa paligid sa nangyayari kay Jennylyn. Kaya nu`ng hinahanap na raw ito para sumalang sa harap ng kamera, nagulat daw ang lahat dahil hindi nila alam na umalis ito at nagpahatid sa hospital.
Hindi na rin daw kasi nakapagpaalam si Jennylyn sa mga tao sa paligid niya, dahil sa matinding sakit.
Siyempre, nang malaman ng staff na dinala sa hospital si Jennylyn, nataranta agad sila. Agad nilang pinuntahan ang hospital na pinagdalhan kay Jennylyn.
Kunsabagay, kung may mangyari mang masama kay Jennylyn, aba responsibilidad nila `yon, `di ba?
Anyway, na-pack up na nga ang taping ni Jennylyn. Hinayaan na lang daw nila na makapagpahinga ang dalaga.
At malamang, isa sa mga araw na ito ay magbalik na ulit siya sa pagti-taping.
|
|
|
Post by 61cm on Apr 17, 2007 0:36:09 GMT 8
People's Tonight By: Vinia Vivar
Okay lang kay Jennylyn Mercado sakaling totoo man ang tsikang galit pa rin daw sa kanya si Alessandra de Rossi kahit binati na niya ito. Ang importante raw sa kanya ay gumawa na siya ng move to patch things up. Matatandaang si Jen ang unang nag-initiate para magkabati siya nang lumapit siya sa young actress sa taping ng “Super Twins” at batiin niya ito. Para kay Jen, sincere daw sa kanya ang paglapit kay Alex at ibig lang sabihin nito ay wala na sa kanya ang lahat. Pero wala na siyang magagawa kung may nagsasabi mang hindi pa rin daw sila okay para kay Alex. Basta ang alam niya, magaan na ang loob niya at erased na ang mga nangyari. “Ayoko rin kasi ng may katampuhan, eh,” sabi ni Jen. Sa May 15 ay b-day ni Jennylyn at wala pang plano kung saan niya ito ise-celebrate. May gagawin siyang movie under Regal Entertainment with Mark Herras and Patrick Garcia pero hindi pa alam kung kaylan masisimulan.
|
|
|
Post by WeLoveJen on Apr 19, 2007 14:17:19 GMT 8
April 19, 2007 03:25 PM Thursday Jennylyn type ng anak ni Sen. Villar? By: Dinno Erece
FRIENDS lang daw sina Mark Villar and Jennylyn Mercado.
The latest political Regal baby ni Mother Lily Monteverde si Senator Manny Villar na patuloy na tumataas ang rating as far as surveys are concerned.
Special ang press con ni Mother for Senator Manny dahil like niya ito at tinatawag niya pa nga ang senador na ka-love team niya as far as sipag and tiyaga are concerned, ang battle cry ni Senator Manny.
Now, kasama niya ang dalawa sa tatlo niyang anak, sina Mark and Camille Villar kaya kahit sila, natanong ng press. May isang question kay Mark na very showbiz ang dating; kung totoo raw ba na kaya kinuha sa commercial ng ama niya si Jennylyn ay dahil sa crush niya ito at balak niyang ligawan.
Sagot ni Mark na since showbiz ang tanong, showbiz din ang sagot niya, they’re just friends.
Sobrang ganda raw ni Jennylyn at pang-artista lang daw ito, hindi niya katulad ordinaryong mamamayan lang.
|
|
|
Post by WeLoveJen on Apr 19, 2007 14:18:34 GMT 8
April 19, 2007 06:20 PM Thursday Mark Villar, nagparaya kay Patrick By: Nel Alejandrino
Touched kami sa sinabi ni Camille Villar, younger and only daughter of reelectionist (senator) Manny Villar, na bukod sa magaling at sincere na politician, napakabait pa ng kanyang ama.
In their family daw, it’s their mom, Congresswoman (ng Las Piñas) Cynthia Villar, ang disciplinarian.
Camille and her Kuya Mark know when to toe the line kapag alam nilang may ginawa silang mali.
Alam nila ang pinagdaanang hirap ng ama para marating ang kung anumang meron sila ngayon.
Sipag at tiyaga ang naging puhunan niya, ani ni Senate President Villar. Kaya ito raw ang gusto niyang i-impart sa mga kababayan, nang sa ganu’n ay umasenso tayo tulad niya.
Naging fish vendor si Villar. Binubuhat niya ang mabibigat na paninda ng ina sa Divisoria. At kahit pagod, he makes sure na nakakapasok siya sa school.
“I’m not afraid of failure,” aniya. “Para sa akin, okay lang na, wika nga, madapa ka. But make sure, bumabangon kang muli. At huwag mo ring patatagalin ang pagkakadapa mo. Otherwise, baka ’di ka na makabangon.”
Senator Villar is proud of his children as well. Camille is a potential artista. ’Di lang siya tall, fair at maganda, mahilig din siya sa showbiz.
No wonder, inimbitahan siya at ang Kuya Mark niya ni Mother Lily Monteverde sa presscon na in-organize ng huli for their father sa Imperial Palace Suites the other night.
Heto pa ang chika, si Mark ay minsan nang na-link kay Jennylyn Mercado, isa sa mga celebrity na nag-i-endorse sa daddy nila on tv.
Mark had to stop pursuing Jen, though, when he learned na taken na ang dalaga ni Patrick Garcia. “We’re friends,” ani Mark.
|
|
|
Post by laominzi on Apr 20, 2007 6:46:43 GMT 8
It's final: Mark and Jen sa `Tiyanak' By: Nitz Miralles BASTA
Nag-story conference noong Wednesday ang Regal para sa horror movie na Tiyanak sa direksyon ni Mark Reyes.
Nang una namin marinig ang project, sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang makakasama ni Rica Peralejo, pero noong afternoon, si Patrick Garcia na.
Ni-reject daw ni Mark ang project dahil gagawin silang love triangle at ayaw nitong i-capitalize ang personal life nilang tatlo.
Ilang oras bago ang storycon, balik kay Mark na naman ang project dahil naisip ng Regal na sina Jennylyn at Patrick din ang bida ng Angel Love episode ng trilogy movie na Angels, na si Mark din ang director.
Magkakasunod yata ang showing ng dalawang pelikula at baka ’di makatulong, kaya inalis si Patrick at in na uli si Mark.
Next week na ang shooting ng Tiyanak. Kasama rin sa cast sina Jill Yulo, Alwyn Uytingco at Jake Cuenca.
|
|